Una sa Balita

Alexa Ilacad, mas type maging rakista!

By
0 12
Alexa Ilacad
Alexa Ilacad

Kung mega-birit ang iba, pa-cry-cry sa pagkanta, ibang-iba naman ang eksena ng teen actress na si Alexa Ilacad. Kung sa pag-arte ay iyakin na siya, sa kantahan, rakistang-rakista naman siya.

Mas bet nga niya ang maging pop rock artist ng Star Music. At matagal na raw niyang passion ang pagkanta.

“Sa I Love OPM, na-realized ko na ang sarap pala talaga mag-perform, especially with a live band. When the show ended, sobra kong na-miss ‘yung pagkanta and pag-perform on stage,” say ni Alexa.

Kaya naman “grateful at blessed” ang pakiramdam ni Alexa ngayong nai-release na ang debut ­album niyang To the Moon & Back.

“Mas masaya ako ngayon na kinakanta ko na ang mga sarili kong kanta, naging more personal­ pa.”

Ang To the Moon & Back album ay naglalaman ng mga bonggang kanta, tulad ng carrier single na Pakipot, Suplado, na ang music video ay dinirek pa ng Callalily vocalist at aktor na si Kean Cipriano. Certified hit na ito dahil ilang linggo na itong part ng “Biga10” ng MOR 101.9.

Ang ilan pang orig na kanta sa album niya ay sinulat ni Eunice Jorge, ang vocalist ng rock band na Gracenote, na siyang isa sa kanyang musical influences, na tulad nga ng Not Too Young, Kung Pwede Lang, Kahit Saan, Kahit Kailan, Dream Boat, at Puso.

“Sa album ko, naipapakita ko ang pop rock side ko — ‘yung ako talaga!” saad ni Alexa.

Ang album ay prodyus nina Rye Sarmiento at Darwin Hernandez. Mapapakinggan na ito sa Spotify at mabibili na rin nationwide soon sa halagang P199. Ang digital tracks naman ay maaaring i-download sa online music stores gaya ng ABS-CBN Store, iTunes, Mymusicstore.com.ph, Amazon.com, OneMusic.ph, at Starmusic.ph.

Regine sa Superstar Duets!

Regine Velasquez
Regine Velasquez

Ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid ang guest host ngayong Sabado sa Superstar Duets. Abangan ang kanyang pagbirit kasama ang apat pang Songbird wannabe.

This Saturday, kakaiba at mas ma­tindi ang challenge sa mga celebrity contestants dahil sila mismo ang gagaya sa kanilang paboritong internationa­l artists habang ka-duet nila ang mga OPM Superstars.

Makikipagrakrakan si Joross Gamboa­ a.k.a. A-bono sa Pinoy Rock Legend­ na si Jett Pangan. Ang ­Phenomenal Diva na si Jessa Zaragoza­ sasabayan si Divine na mag-iibang anyo bilang singer ng hit song na ­Umbrella, Rihanna Ramos.

Ang former Side A vocalist na si Joey G., makaka-tandem ang very fierce na si Rita Daniela a.k.a. Kabibeyonce. Ang RNB superstar na si Drake Vargas a.k.a. Jerald Napoles, may rap duel with the one and only Andrew E.

Si Nar Cabico bilang Supreme Diva Diana Chos, haharapin ang Jukebox Queen na si Imelda Papin.

Matindi ang biritan at tawanan­ ngayong Sabado ng gabi sa ­Superstar Duets pagkatapos ng Magpakailanman sa GMA7.