Una sa Balita

Alex, tinawag na retokada, bastos!

Napahamak sa joke kay Isabelle

By
0 2,772

Dahil sa isang birong comment, umabot na sa kulang-kulang 600 ang nagtalo-talo. At nagsimula lang ang lahat dahil sa Instagram post ni Isabelle Daza ng buntis photo niya, na nilagyan niya ng caption na:

“Cant believe that my son was in my belly 10 days ago?!?! I still had maternity content.”

Eh, nag-comment nga si Alex Gonzaga sa photo na ‘yon ni Isabelle, na kung titingnan mo, gulo-gulo nga ang buhok ng anak ni former Miss Universe Gloria Diaz.

“Sana nagsuklay ka!” sabi nga ni Alex.

“It’s the messy look. But you wouldn’t understand!” sagot naman ni Isabelle sa comment na ‘yon ni Alex.

Marami ang nagseryoso sa sagutan na ‘yon nina Alex at Isabelle. Ang interpretasyon ng iba, ipinamukha raw ni Isabelle kay Alex na ang mga tulad niyang ‘sossy’ lang ang nakakaintindi ng messy look, at hindi sosyal si Alex, kaya hindi nito maiintindihan ‘yon.

May iba na naghihinala na baka raw nakakaranas ng post-partum si Isabelle ngayon, kaya ganu’n ang sagot kay Alex, na parang mainit ang ulo.

Pero siyempre, mas marami ang nanlait, bumatikos, tumalak kay Alex. Dahil nga sa birong ‘yon ni Alex, heto ang napala niya mula sa mga netizen.

@itscjg_md: “@cathygonzaga at least po sya kahit d nagsuklay at buntis magnda pa rin at natural na ganda, hndi tulad mo retokada… be gentle sa mga bagong panganak or sa mga post ng buntis.”

@tesspalma: “17 ‘Kahit hindi nakasuklay maganda talaga. Pang universe ang beauty.

“Ay naku yang mga Gonzaga saksakan daw ng yabang ang mga yan.”

@carms.love.rich: “@cathygonzaga taklesa ka talaga! Hinay hinay lang! Ikaw kaya maging bagong panganak at puyat! Paminsan minsan be mindful sa mga comments! Be sensitive to other peoples feelings! Lalo na pag kapapanganak lang . Very sensitive sila! Kung biro lang yan eh di text mo sya o private message! Gusto mo pang i broadcast ! Eh di ikaw na!!!”

@kukuo_panda: “@officialalexsquad may word na humor pero di humor ang comment mo. Panlalait. Mahilig ka mamintas sa iba mukha mo muna tingnan mo kung maganda ka ba talaga. Ayusin mo muna mukha mo bago ka mag-comment sa iba.”

May mga ibang komento na sinagot din si Alex:

@cathygonzaga: “@mar_le_di fyi i never said pupu jokes so no toilet humor. Waley.”

“Tropa mo ba si belle or kapatid??? Grabe ka affected,” sabi pa ni Alex.

Sa IG stories ni Isabelle, nilinaw nga niyang biruan lang nila ‘yon ni Alex. Naloka nga siya sa dami ng mga naapektuhan.

“To everyone making this an issue, please google the definition of a JOKE!” sabi ni Isabelle.

Well, hindi ito ang unang pagkakataon na napahamak si Alex dahil sa jokes. May mga tao kasi na hindi masakyan ang pagbibiro niya lalo na sa mga taong ka-close niya, tulad ni Luis Manzano.