Una sa Balita

ALEX, TAOB SA ‘BOOBS’ NI TONI!

By
0 46
Alex at Toni
Alex at Toni

Nagpatalbugan sa kaseksihan ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga sa kanilang swimming getaway sa isang exclusive resort sa Siargao. Ilang mga bikini photos nila ang in-upload ni Alex sa kanyang Instagram at in fairness hindi nagpakabog ang comedian TV host actress sa kanyang Ate Toni.

Parehong sexy at slim na parang mga fashion model ang magkapatid, lalo na sa photo nila na magkaparehas ang tabas ng bathing suit na suot nila. Pula ang kay Alex at itim ang kay Toni.

Pero kahit anong gawin ni Alex, hindi niya talaga makakabog ang ate niya. Isang photo nilang dalawa na nakalublob sa pool ang nagpalutang sa alindog ni Toni laban sa kapatid.

Kinabog ni Toni si Alex dahil sa kanyang boobs na busog na busog sa suot niya. Parang nakataob na palanggana ang hubog ng dibdib ni Toni sa laki.

Nakatulong ng malaki ang breast-feeding niya sa anak na si Seve para umalsa na parang mala­king monay ang dibdib ng Kapamilya star.

Payat ang mga braso ni Toni, pero malaman ang kanyang dibdib na kahit sinong lalake ang makakakita ay masasabing isang “certified hot momma” talaga si Toni.