Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Alex super sweet sa dyowang direktor

0 655

Noong isang gabi ay nag-post sa kanyang Facebook page ang GMA 7 director na si Rico Gutierrez. Kinunan niya ang anti-COVID-19 kit na dadalhin daw niya sa taping kahapon ng “Amazing Earth”.

Sabi niya,”Di po ako pupunta sa giyera. Maraming salamat Alex sa anti-Covid kit ko (with laughing-crying emoji).

“First Amazing Earth shoot tomorrow, may God protect us all. #teamAE #naykawbayan.”

Puno ang anti-COVID-19 na pinadala ng “Alex” na ‘yon kay Direk Rico.

Makikita na may digital thermometer pa bukod sa KN95 mask, sanitizer, wet tissue at kung ano-ano pa.

Ang bongga, napaka-sweet ng “Alex” na ‘yon na nagpadala ng essential anti-COVID-19 kit kay Direk Rico, huh!

Siyempre, kilalang-kilala ko ang “Alex” na ‘yon, pero hindi ko na siya tinanong pa tungkol doon para maisulat ko ang item na ito.

Hehehe.

Alessandra, Paolo tandem biglang nabuhay

Ang bongga lang dahil pati kay Assunta de Rossi ay nagme-message ang mga fan ng sister niyang si Alex, este, Alessandra de Rossi pala, dahil sa tagumpay ng “Through Night and Day” movie nito na number one na sa Netflix Philippines.

Enjoy nga ang mga fan na panoorin ang pelikulang ‘yon ni Alex (paboritong tawag sa kanya ng lahat) na kinunan sa Europe noong 2018.

In fairness, bumagay sa isa’t isa sina Alex at Paolo Contis sa pelikulang ‘yon.

Anyway, sabi ni Sam (paboritong tawag naman ng lahat kay Assunta), ipaparating niya kay Alex ang feedback ng mga fan sa pelikulang ‘yon.

For sure kahapon ay naikuwento na ni Sam kay Alex ang tungkol sa mga ‘yon dahil kahapon ng 1:30AM ay tinawagan ko ang buntis na aktres para kumustahin.

“Ok naman ako, medyo gising pa dahil mas nakakatulog ako sa umaga.

“Mamaya, magkikita kami ni Alex. Dadalawin ko siya. Pupunta ako sa bahay niya,” sabi ng misis ni Jules Ledesma at ni-remind ko na mag-ingat siya na palagi naman daw niyang ginagawa.

Nang kausap ko nga si Sam, excited sila na magkikita sila ni Alex.

Ang pamilya kasi nila ay nasa Martano, Italy at ang isang sister din nila ay nasa Amsterdam at doon nagwo-work, kaya kapag nagkikita sina Sam at Alex ay sobrang excited silang dalawa.

Madalas kapag nagluluto si Alex ng bagong dish, si Sam pa ang tagatikim no’n.

Madalas din na magkasama sila sa mga special occasion like noong isama rin ako nina Sam at Jules sa City of San Carlos sa Negros Occidental after ng Christmas noong 2018 ay nandoon din si Alex.

Madalas ngang mag-bonding ang magkapatid at ang saya kapag magkasama sila like noong mag-Amanpulo sila last February para sa birthday ni Sam at that time ay hindi pa nga nila alam na buntis ang misis ni Jules.

Leave A Reply

Your email address will not be published.