Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Alex, pakner swak sa semis

0 575

MULING nakatuntong sa semifinals si Alexandra “Alex” Eala isang linggo matapos makipaglaban para sa singles crown sa pakikipagpareha kay Marina Bassols Ribera sa W25 Open Generali Ciudad del Palma de Rio sa Spain.

Ang dating magkalaban na naging doubles partner na sina Eala, Globe ambassador at Rafa Nadal Academy scholar, at Bassols Ribera ng Spain ay nagawang umusad sa semifinal matapos manaig kina Marta Huqi Espinas ng Spain at Ashley Lahey ng United States, 6-1, 6-3, sa women’s doubles quarterfinal Miyerkoles, Hunyo 29, sa Polideportivo Municipal el Pandero sa Palma del Rio.

Naglaban sina Eala at Bassols Ribera sa women’s singles final ng W60 VIII Open ITF Arcadis Brezo Osuna noong Hunyo 19, kung saan nanaig ang Espanyola para pigilan ang pagtatangka ng 17-anyos na Pilipina na makuha ang kanyang unang W60 crown.

Ngunit pinagtagpo ang dalawa sa kanilang mga talento para bumuo ng isang mabigat na tandem sa $25,000 event ngayong linggo kung saan sila kapwa nanalo sa kanilang unang dalawang laban sa dominanteng paraan.

Seeded fourth sa torneo, binuksan nina Eala at Bassols Ribera ang kampanya sa pagblangko sa Spanish pair nina Adriana Cortes at Patricia Rodriguez Carretero, 6-0, 6-0, sa unang round.

Ang Filipina at Spanish pair ay dapat maglabas ng upset upang makapasok sa title round sa kanilang laban sa No. 1 seed na sina Valeria Savinykh ng Russia at Fanni Stollar ng Hungary ngayong Biyernes. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.