Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Alex luhaan sa doubles

0 49

NAGUNAW ang asam ni teen sensation Alex Eala na sungkitin ang pangatlong Grand Slam girls doubles title matapos maligwak sa semifinal ng US Open juniors doubles kahapon.

Yumuko si 16-year-old Eala at katambal niyang Belgian netter na si Hanne Vandewinkel kina American duo Elvina Kalieve at Reese Brantmeier, 7-5, 2-6, (7-10).

Bago sumalang sa semis sina Eala at Vandewinkel, pinatalsik muna nila sina Madison Sieg at Elizabeth Coleman, 6-1, 6-7, (10-7) ng USA.

Related Posts

Samantala, nitong Biyernes lang ay nabigo si Eala sa kanyang kampanya nang matalo sa quarterfinal round ng US Open girls singles.

Nasalto si Eala kay Sebastianna Scilipoti ng Switzerland, 5-7, 3-6. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.