Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Alex lalong bumabangis

0 8

GAGAMITING motibasyon at inspirasyon ni Alex Eala ang experience sa US Open upang pagbutihin pa ang kanyang laro para sa mga darating na internasyunal na torneo.

Hindi man nakabagahe ng tropeo, nagagalak pa rin si Pinay tennis ace Eala sa kanyang naging paghampas sa nakalipas na 2021 US Open juniors tournament.

Magugunita na nakapalo hanggang quarterfinals sa girls singles event ang Juniors World No. 2 habang nakaabot hanggang semifinals si Eala at kanyang partner na si Hanne Vandewinkel sa girls double event.

“I had another great experience at the US Open where I reached the quarterfinals in singles and semifinals in doubles (with my partner Hanne Vandewinkel). I am happy that this was an improvement from my 2019 second round finish,” sey ni 16-year-old Eala via Facebook.

Hindi naman nakalimutan ng Rafa Nadal Academy scholar at Globe Ambassador ang kanyang pamilya at mga kaibigan na sumuporta sa kanya.

“It was also such a blessing to have so much family and friends come and watch my matches. Thank you for all the support!” panapos ni Eala. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.