Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Alex kinalos bet ng Laos

0 74

INILAMPASO ni Pinay tennis ace Alex Eala sa women’s singles round of 16 ng tennis event ng 31st Southeast Asian Games si Phorphatehep Philyvong ng Laos, kahapon sa Hanaka Tu Son Bac Ninh sa Vietnam.

Winalis ng 16-year-old Eala sa round of 16 ang Laotian netter sa iskor na 6-1, 6-1 ng biennial meet.

Dahil sa resulta, abante sa quarterfinals si Eala sa nabanggit na kompetisyon.

Kabilang si Eala, humahampas para sa kanyang debut sa SEA Games, sa Philippine national women’s tennis team na komopo kamakailan ng bronze medal sa women’s team tennis event sa Hanoi. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.