Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Alex kinaldag taga-Romania

0 30

NAMAYAGPAG sa second round ng ITF W60 Bellinzona tournament nitong Miyerkoles ng gabi (Manila time) si Pinay tennis sensation Alex Eala upang maka-abante sa third round ng torneo sa Switzerland.

Wagi via three sets ang Rafa Nadal Academy scholar laban kay Laura Iona Paar ng Romania sa iskor na 6(6)-7(8), 6-1, 6-0.

Matapos ang mainit na laban sa opening set sa pagitan ng dalawang manlalaro, tinimabakan ni Eala ang 32-year-old Romanian, may WTA ranking na no.130 sa second at huling set upang makuha ang tagumpay.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Magugunita na itinaob rin ng 15-year-old Pinay netter, may kasalukuyang WTA ranking na no.715, si Paar sa kanilang pagtatagpo sa W25 Grenoble tourney sa France.

“So happy to win my match today,” caption ni Eala sa kanyang Facebook page. “Thank you for continuing to cheer me on!”

Samantala, sunod namang makakaharap ni Eala sa torneo na may premyong $60,000 si Swiss netter Simona Waltert sa third round. (JAToralba)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.