Una sa Balita

Alex inalok na ng kasal ni Mikee sa US?

By
0 5,449

Kasalukyang nasa Amerika ngayon si Alex Gonzaga for a three-week vacation para sa wedding ng kanyang bestfriend na babae na barkada niya pa from St. Paul College. Sa March 17 gaganapin ang kasal, ayon kay Mommy Pinty.

Anyway, tatlo raw magbabarkada na lumipad sa US sina Alex at mananatili sa bahay ng sister ng kanyang ina sa New Jersey kung saan din nakatira ang kanyang lolo. Susunod din si Mommy Pinty dahil ninang siya sa kasal at para rin daw madalaw niya ang kanyang tatay. Pupunta rin daw si Alex sa New York kung saan naman nakatira at nagtatrabaho ang pinsan nila.

Si Mommy Pinty na lang yata ang naririto sa Pilipinas, dahil lahat ng kapatid niya ay sa States na nakatira, tulad ng isa na nasa Glendale, California naman.

Samantala, nakasunod na rin sa TV host-actress ang kanyang negosyanteng boyfriend na si Mikee Morada sa US of A.

Ang bongga pala talaga ng boyfriend ni Alex, dahil ito ang may-ari ng malaking badminton court na nirerentahan ng mga badminton enthusiasts sa tapat ng ABS-CBN. Doon nga sila naging magkaibigan ni Piolo Pascual.

Ang badminton kasi ang paboritong gawin ni Piolo. At siya nga ang nagpakilala kay Mikee kay Alex. Inudyukan nga ni Piolo si Mikee noon na ligawan si Alex, dahil crush nga raw ng una ang dalaga.

Actually, bago pa lumabas at mailathala ang chikang ‘yan ay naikuwento na sa amin ‘yan ni Alex sa cellphone nung kasalukuyang nanliligaw pa lang sa kanya ang binata, dahil gusto rin sana siyang makilala ng guwapong pamangkin ni former Senator Bong Revilla, kaya lang ay mas bata ito kanya. So it did not push through, kasi mas bet niya raw ang guys na older than her.

Alex turned 30 last January 16 na talaga namang nasa marrying age na ng bongga at maaari nang sumunod sa Ate Toni niya at sa bestfriend niya sa pagpapakasal. Although, waley pa naman tayong nauulinigan kung kailan planong mag-propose ng kasal ni Mikee sa komikera niyang dyowa.

Malay natin dahil parehong nasa US sila at magkasama nga, baka nag-propose na si Mikee, o baka nagbabalak na itong mag-propose kay Alex doon, ha!

Besides, we heard that Mikee’s brother is getting married this year sa fiancee nito na apo raw ng nagmamay-ari ng isang malaking TV network, kaya abangan na lang natin sa 2019 kung may wedding announcement na ang magkasintahan.

Ang tanong: Ready na kaya si Mommy Pinty at Daddy Bonoy na kasalukuyang Vice Mayor ng Taytay, Rizal kung sakaling lumagay na rin sa tahimik ang bunso nila come next year at lilisan na rin sa tahanan nila, tulad ng pa­nganay nila?