Una sa Balita

Alex humirit ng miting kay Mayor Olivarez

0 411

May mga kumakalat ngang isyu tungkol sa pagdedeklara umano kay Kapamilya actress Alex Gonzaga bilang persona non grata sa Parañaque City. May nasambit diumano si Alex sa isang nag-viral na video na “may pagkamadugas” sa kung sino man ang pinatatamaan niya during the campaign period.

Pero mariing pinabulaanan naman ito ni Parañaque administrator Ding Soriano. Ipinapalagay na lang umano ni Mayor Edwin Olivarez na parte ito ng pamumulitika. Wala umano silang resolution declaring her as persona non grata sa lungsod.

Ayon naman sa kapatid ng aktres na si Toni Gonzaga, ina-ayos na ito ni Alex privately. Katunayan ay nakahirit ang kampo nila ng isang formal meeting kay Mayor Olivarez.

“She will move on from this. ‘Yung babaunin niya dito ‘yung lesson na natutunan niya. Si Alex, she’s taking everything one day at a time, and she’s maturing from every challenge na pinagdadaanan niya.

“Iyon siguro ang maganda rito sa nangyari. She knows when she falls down, and when she commits a mistake, she owns up to it, and she moves on and she learns,” paliwanag pa ni Toni.

Aminado naman kasi si Toni na may pagka-taklesa ang kanyang kapatid na si Alex. (Jun Lopez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy