Una sa Balita

Alex gumawa ng kanta para sa mga basher

0 385

Nagsimula sa “Chambe” noong 2018 na super tumatak sa napakaraming fan, sinundan ng “Tipints” na bumenta rin sa mga fan at napabilang pa sa top trending sa Youtube nitong taon lang.

Heto nga at nagbabalik ulit ang kuwelang ‘jeje’ songs hitmaker na si Alex Gonzaga sa kanyang pani­bagong kanta na “Amfee”.

Makalipas ang 6 na buwan mula nang ma-LSS ang mga fan sa “­Tipints”, heto na nga ang bago niyang kanta na “­AMFEE” kung saan kapansin-pansin na ­Beyonce at Ariana Grande inspired ang ­naturang kanta.

Mas lalong naging kabenta-benta ito sa mga fan nang isa-isang makita ang mga nag-trending sa taong 2019 gaya ni “You Do Note” girl, “Stop and Look and Listen and Look” guy at Linda na nagreklamo sa Tulfo, Gretchen Diez na transgender na nag-viral sa FB.

Habang lowkey ipinapakita rin sa music video ng vlogger ang trending dance steps ng Girltrends, in fact, kasama pa nga niya bilang back-up dancer si Girltrend Sammie.

Binanggit pa sa kanta na para rin sa kanya mismo ang kantang iyon dahil marami ring nagsasabi sa ­kanya ng “Amfeeling mo”.

Well, obviously ay pinariringgan niya sa kantang iyon ang kanyang mga basher na nagsasabing “feeling sikat” siya.

Kung papansin nga, tila ­nang-aasar si Alex sa kanyang mga basher sa mga lyrics na binitawan ng kanyang kanta. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy