Una sa Balita

Alex Gonzaga tumalak sa sobrang inggit sa TNT Boys

0 795

abante-i-know-better-jun-nardoInggit na inggit si Alex Gonzaga sa TNT Boys dahil nakasama nila ang international singer na si Ariana Grande sa show ni James Corden.

Tweet ni Alex, “HUH??? Ay hindi. Sasali na din ako sa TNT kung ito ang paraan makasama ka @ArianaGrande.”

Pumalag si Luis Manzano sa tweet ni Alex ng, “Dun ka sa tapatan ni Ka Tunying sumali mikrobyo ka.”

Hindi na bumuwelta si Alex sa tweet ni Luis. Pero ang napagbalingan ng host-actress ay ang post ni Jessy Mendiola sa Instagram.

“Ganda ka. Panget boyfriend mo,” komento ni Alex sa litrato ni Jessy.

“Kaloka ka!” sagot ni Jessy sa komento ni Alex.

Naku, normal na ‘yang ganyang buskahan nina Lucky at Alex, huh!

Ai-Ai natakot sumakay kay Gerald

Pinanood lang ni Ai-Ai delas Alas ang unang pagpapalipad ng eroplano ng asawang si Gerald Sibayan. Hindi nga siya sumakay.

Isang Cessna 172 plane ang pinalipad ni Gerald at may voice over siya sa video sa take off at landing ng plane.

“Happy ako kasi happy kana natupad ang dream mong maging piloto…basta always here na naka-support sa lahat ng mga pangarap mo…I love you husband…”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy