Una sa Balita

Alex Gonzaga bumula ang bibig vs. Air France

By
Alex Gonzaga
0 24

Hayan, bumula na naman ang bibig ni Alex Gonzaga. Eh, kapag bumula pa naman ito, you’ll never see the end of it, devah? Charosss!

Abante Hiring – IT dep

Tungkol nga ito sa na-cancel na flight nila via Air France kung saan patungo dapat sila sa Paris, France mula sa Florence, Italy. Wala nga raw nagsabi sa kanya na cancelled ito, at walang nag-inform sa kanila kung ano ba ang mga dapat nilang gawin.

Bukod pa rito, matapos nilang pumila sa sky priority lane ng halos isang oras, saka lang sila sinabihan na nasa maling linya sila. Tapos, masusu­ngit pa raw ang ground attendants, huh!

Kaya, emote ang sisteret ni Toni Gonzaga na para sa kanya ay worst customer service raw. Kahit ganu’n naman daw sa Pilipinas na kinasanayan na ang ilang ulit na cancelled or delayed flights, pero pagdating sa pagiging hospitable at accommodating, walang tatalo sa atin.

‘Yun nga lang! Anyway, may epekto ang shout na ito ng TV host na nag-message sa kanya ang pamunuan ng Air France mismo para maimbestigahan nila ang pangyayari.

Oh, devah?