Una sa Balita

Alex atat nang pakasal kay Mikee

0 552

Nasa Cloud 9 sa engagement:

Umabot na sa mahigit 10 thousand comments ang post ni Alex Gonzaga sa kanyang Instagram wall ng larawan nila ng kanyang dyowa na si Mikee Morada.

Kasabay ng pagsi-celebrate niya ng kanyang 32nd birthday nitong Jan. 16 ay ang announcement ni Alex na engaged na siya sa kanyang kasintahan.

Makikita sa kanyang IG post ang engagement ring na suot niya habang nakayakap sa kanyang kasintahan. Nagpasalamat si Alex sa mga bumati sa kanyang kaarawan, at nagpahapyaw ito ng kasiyahan sa kasalukuyang relationship status niya.

“I feel LOVED. Thank you Jesus,” sabi pa ni Alex.

Matagal-tagal na rin ang relasyon nina Alex at Mikee, na nagsimula nu’ng ipakilala ni Piolo Pascual sa actress-vlogger ang kaibigan na si Mikee. Si Mikee ang official boyfriend ni Alex na naipakilala niya sa showbiz nang walang alinlangan at may basbas ng kanyang mga magulang.

Ang engagement ni Alex o Catherine sa tunay na buhay, ang kauna-unahang engagement news ngayong 2020. Habang sinusulat ito, may 400,000 likes na ang naitala sa engagement post na ito ni Alex.

Apparently, December pa pala naganap ang proposal nang magbakasyon ang lovebirds sa Hong Kong. Shinare nga ni Alex ang video nito sa kanyang Instagram.

Topak ni Barbie sakay na sakay ni Jak

Kung ang pagbabasehan ay ang magagandang kuwento at deskripsyon ni Barbie Forteza sa romantic relationship nila ni Jak Roberto, ang pagmamahalan nilang dalawa ang maituturing na pinaka-smooth sailing sa maraming showbiz couples ngayon.

Ayon kay Barbie, iniintindi lang ni Jak ang mga mood swings niya bilang isang babae at bilang isang hard-working na artista ngayon. Walang matandaan si Barbie na nagtalo sila dahil sa kanyang mga mood o dahil lang sa hindi pagkakaunawaan.

Kapag busy ang kanilang mga working schedules, gumagawa raw ng paraan si Jak para mapunuan ang mga panahong hindi sila nagkikita, gaya nang ginawa nito kamakailan lang sa set ng taping nila ng bago niyang show.

Nagdala ito ng pagkain at doon nila pinagsaluhan ang pasalubong ni Jak sa kanya.

Naging madali para kay Barbie na makumbinseng mabait na boyfriend at marespeto sa mga nakakatanda si Jak.

Una muna kasing niligawan ni Jak ang mga magulang ni Barbie bago siya.

Kaya naman sa unang date nila, pinayagan agad si Barbie ng parents niyang sumama nang walang chaperone sa aktor.

Siyanga pala, malapit na ring ipalabas ang serye ni Barbie na “Anak ni Waray vs Anak ni Biday” na pinagbibidahan din ni Kate Valdez, Snooky Serna at Dina Bonnevie.

Kate Valdez itinanggi ang relasyon kay Pacquiao

Mabibigo ang mga nagpapantasya sa kagandahan ni Kate Valdez, at masilayan ang kaseksihan nito sa bikini o swimsuit. Ayon sa magandang dalaga, kahit daw mag-shorts ay naiilang siya, o mas sexy outfit pa.

Ramdam niyang hindi pa niya kaya ang magpa-sexy sa kahit na anong acting project dahil hindi siya mahilig magsuot ng mga skin-revealing dress o outfit.

Kung pagpapakita ng balikat suot ang isang gown o hapit na evening wear gaya nang mga naka-post sa kanyang Instagram wall, kaya pa ito ng dalaga.

Samantala, iginiit ni Kate na kaibigan lang niya ang magkapatid na Jimuel at Michael Pacquiao.

Isa sa mga dating post ni Kate ay kasama niya ang dalawang mga anak na lalaki ni Pacman. Sabi ni Kate, naiimbitahan lang siya sa mga okasyon ng dalawa, gaya nang birthday celebration ni Michael.

Unang nakilala ni Kate si Jimuel sa social media at nasundan ito nang pagkakilala naman nila ni Michael.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More