Una sa Balita

Alex aminadong hindi mabango sa takilya

By
0 1,225

Ayon kay Alex Gonzaga, hopefully raw ay hindi makalimutan ng mga tao ang pelikula niyang “Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka” ng Wilbros Films kapag ipinalabas na ito sa takilya.

Ramdam naman daw niya na hindi sila box-office stars nina Vince Abrenica, ­Jerald Napoles at ‘yung iba pang nasa cast, pero kung ang pagbabasehan ng mga tao ay ang istorya nito ay panalo raw ito sa ­box-office.

First directorial job ito ng dating PBB housemate na si Fifth Solomon at siya rin ang nag­sulat kaya talaga raw nabantayan nang maayos ang pelikulang ito.

Her best film is yet to come, pero para kay Alex, isang magandang karanasan ang paggawa ng movie na ito dahil bukod sa fun lang sila sa set, ay malaking bagay sa kanya na bff niya ang writer and at the same time direktor ng movie.

Dapat nga raw sana ay ipapasok nila ito sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) pero hindi sila umabot, kaya on a regular run sila, na who knows, mas du’n pala talaga ito destined at pasukin ng mga manonood.

Samantala, kinumpirma rin ni Alex na mukhang ­hindi na talaga itutuloy ‘yung movie niya na nasimulan noon pa sa Star Cinema. Ang babata pa nila sa mga hitsura nila noon, kaya mas malaking gastos kung ­ire-reshoot nila ang mga nakunan na, kaya, feeling niya talaga ay shelved na ito.