Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Alex akyat sa ranking

0 36

LEVEL up sa kanyang karera si Pinay tennis ace Alex Eala nang umangat ito sa ika-715 sa WTA ranking.

Sa pinakahuling ranking list na inilabas ng WTA kahapon, mula sa dating No. 737 noong nakaraang buwan ay umangat ito sa No. 715 para sa pinakamataas na puwesto na narating ng 15-anyos na atleta.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nakuha ito ng left-handed na si Alex matapos ang pagpapakitang gilas niya sa W15 at W25 sa ITF Women’s World Tour kung saan nakapuwesto na ito sa 1190 unang quarter pa lamang ng taon.

Magugunitang noong Enero ay nagreyna ito sa unang leg ng W15 Manacor tournament sa Mallorca, Spain. (Aivan Episcope)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.