Dyowang si Marc Abaya, ayaw pag-usapan

Alessandra, muntik mag-walk out sa presscon

By

Pabirong nag-walk-out eklabu si Alessandra de Rossi sa group interview sa kanya ng ilang reporters pagkatapos ng presscon pro­per ng Viva Films’ latest movie na 12.

Ito ay matapos ‘kulitin’ siya sa tanong tungkol sa kanyang love life, lalo na ang tungkol sa kanila ni Marc Abaya.

Flower gUrl 🌺

A post shared by marc_abaya (@marc_abaya) on

Bumalik din naman sa grupo si Alex na nakatawa at seryosong nagpaliwanag kung bakit ayaw niyang pag-usapan ang kanyang love life. Wala naman daw itong kinalaman sa pelikulang pinagbibidahan nila ng baguhang si Ivan Padilla kaya walang dahilan para sagutin niya ito.

Nahihiya rin siya kay Ivan na katabi niya, dahil ito ang kanyang lea­ding man at hindi si Marc.

Bukod pa rito, mas gusto niya talagang i-promote nang husto ang 12 at hindi ang kanyang buhay pag-ibig dahil very proud siya sa pelikulang ito dahil siya ang nagsulat ng story nito.

Matagal daw ang proseso ng paghahanap nila ng leading man ng direktor na si Dondon Santos na buong akala niya ay masi-shelve. Kaya, sayang naman daw na mapo-focus sa personal niyang buhay ang promo ng kanilang pelikula.

May punto naman dito si Alex, lalo na at from the very start ng kanyang career ay iwas na talaga siyang pag-usapan ito. Hindi naman siya maramot magbigay ng ilang detalye kung kinakailangan lang talaga.

Bukod pa nga sa karapatan din namang ibalato na lang sa kanya ang tungkol sa parteng ito.

Alma Moreno, delikado sa Multiple Sclerosis

Alma Moreno
Alma Moreno

Lungkut-lungkutan ang drama ngayon ni Alma Moreno dahil gustung-gusto nitong makasama sa entourage ng kanyang anak na si Winwyn Marquez na nakatakdang umalis papuntang Bolivia sa October 19 para lumaban sa taunang international beauty pageant na Miss Reina Hispanoamericana.


Bilang nanay, sino nga ba naman ang hindi gustong personal na suportahan ang kanyang anak sa isang beauty pa­geant na ngayon pa lang ay nakakaranas na ng discrimination hindi lamang sa kapwa Pilipino kundi maging sa Latin countries?

‘Yun nga lang, ayon sa aming source, hindi pinayagan si Alma ng kanyang doktor na magbiyahe nang malayo. Alam naman natin ang kundisyon ng dating sexy actress na meron siyang Multiple Sclerosis.

Delikado nga ang sakit na MS na may kinalaman sa pagtigas ng brain tissues o sa spinal cord kaya bawal ang sobrang pagkikilos o pressure physically.

Eh, siyempre, kapag nasa Bolivia siya ay ‘di naman puwedeng umupo na lang siya sa isang tabi habang maraming acti­vities ang kanyang anak. Natural, kailangan din niyang magkikikilos, huh!

SHARE