Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Alessandra hindi buntis

0 58

Kahapon ay katsikahan ko si Alessandra de Rossi.

May kinuwento siya sa akin na “secret” pa at sasabihan niya ako kung puwede na bang isulat.

Hmph! Baka kung ano ang isipin ng ibang readers at matsika na namang buntis ang kapatid ni Assunta de Rossi.

May kinalaman sa isang big project ang itsinika sa akin ni Alex (palayaw ng aktres) at kaabang-abang ang magandang balitang ‘yon.

Usapang buntis na rin lang, actually, may ganoong tsikahan din kami kahapon ng aktres. Buntis na kasi ang isa sa mga dating nakasama niya sa youth-oriented series ng GMA-7, ang “Click”, si Dyan Delfin na gumanap doon na Belle.

Best friend ni Alex si Dyan, kaya tinanong ko siya kung aware na ba siya sa pagbubuntis ng kaibigan at “Yes!” ang sagot niya.

Teka! Hindi ba siya nape-pressure na nagbubuntisan na ang mga malalapit sa kanya (nauna na nga ang Ate Assunta niya at may Fiore na siyang niece rito)?

Marami kasi ang nag-e-expect na si Alessandra na ang susunod na magbubuntis.

“Hahaha! ‘Di ba dapat sila ang ma-pressure? Bakit ako? ‘Yung pag-e-expect nila, choice nila ‘yon,” sey ni Alex na mukhang hindi pa nga talaga handang mag-baby na in the near future.

Mga ex-boyfriend kabado:

BB maraming pasabog sa ‘The Untold Story of Rustom’

SM food to go Banner Ad

Tumawag sa akin ang half sister ni BB Gandanghari na si Raquel Padilla.

Si Raquel pala ang producer ng “BB. Uncut: Who Killed RP?! (The Untold Story of Rustom Padilla)”.

Nabasa raw ni Raquel ‘yung sinulat ko tungkol sa show kung saan si BB mismo ang narrator.

Thankful si Raquel dahil na-promote raw ang show na ‘yon ni BB sa Lamesa restaurant and bar sa Covina, California on July 17, 31, August 14, 21 & 28 (for tickets inquiries, call BB’s half sister sa 1-626-4264224).

“Thank you, Jun. Gusto ring mag-thank you ni BB sa‘yo,” sey ni Raquel.

In fairness, mabenta raw ang mga ticket sa show na ‘yon ni BB. Marami raw talagang gustong malaman ang “untold story” ni Rustom Padilla, na ayon nga kay BB ay patay na.

For sure, maraming revelations na naman si BB tungkol sa buhay ni Rustom nang active pa ito sa showbiz. Tiyak, maraming mga nakarelasyon noon ni Rustom ang kabado na sa mga isisiwalat ni BB, huh!

Anyway, ang dating aktor na si Edgar Mande na nakasama ko kamakailan, ikinuwento sa akin na 50 tickets ang kinuha niya para sa show na ‘yon dahil manonood daw sila ng friends niya.

Support daw niya ‘yon kay BB na lately ay sobrang sad daw dahil namatay ang asong alaga na best friend ang turing nito.

Oo nga pala, Dondon (my dear editor), in-invite ako ni Raquel na manood ng show ni BB, kaya mako-cover ‘yon for Abante at maitsitsika ko ang mga ikukuwento ng aktres (o, ayan, malinaw, AKTRES!) tungkol sa mga sikreto ni Rustom, huh!

Bongga!

Leave A Reply

Your email address will not be published.