Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Alessandra, DDS vlogger nagtalakan

0 106

Laos na, ‘yan ang tawag ng DDS vlogger na si Banat By sa kanyang tweet kay Alessandra de Rossi, matapos nitong sunud-sunod na pintasan ang gobyerno, lalo na si Pangulong Duterte.

“Grabe iba talaga nagagawa ng walang project. Pag laos ka na talaga need umepal ng bongga. Sige tweet pa baka sakali mabuhay ang patay mong career @msderossi…” tweet ni Banay By.

Siyempre, hindi nagpatalo si Alessandra kaya tumalak din ito.

“Mas malala kung may project ka tapos iiwan mo lang sa ere. Di ako tumanggap since Feb last year, para sa bayan. Bored ako! Buti nga nag-golf ako! Para yun lang!” sagot ni Alessandra.

Sinuportahan naman si Alessandra ng mga kapwa niya kumakalaban sa DDS.

Ai-Ai, Gerald relasyon ‘di napatumba ng krisis

Basta sa pag-ibig, hindi maigugupo ng krisis si Ai Ai delas Alas, na kahit MECQ (Modified  Enhanced Community Quarantine) na, nanatili pa ring masaya ang komedyante.

Ito ay dahil umabot na sa pitong taon ang pagsasama nila bilang mag-asawa ni Gerald Sibayan. Tamis-tamisan sa Instagram si Ai-Ai sa pinoste nitong anniversary greeting nila ng asawa.

“Habang buhay kitang mamahalin…maligayang 7 taong pagsasama sa aking darling…literal na maligaya @gerald_sibayan #7thyearanniversary #412 #7/7,” sabi ni Ai-Ai.

Ibinalandra naman ni Gerald ang photo ni Ai-Ai na naka-bathing suit ito.

“My forever date I love you so much darl,” sabi ni Gerald.

Ellen, John balik taping na

Puwede nang bumalik sa mga shooting, taping ang mga film at TV production ngayong MECQ. Ito ang FB post ni FDCP Chairwoman Liza Diño.

Dalawang linggot ngang naparalisa ang mga production shoot ng mga pelikula at teleserye dahil sa ECQ.

“Productions are now allowed under MECQ. Remember: Maximum 50 pax at any given time. Stay safe. Safe Filming.Ph,” sabi ni Liza.

Kaya naman balik taping na uli ang John & Ellen sa TV5. At balita ko ay sa Zambales gagawin ang second season ng sitcom nina John Estrada at Ellen Adarna.

Dugo ni Gab Valenciano panggamot sa virus

Bago pa nagka-COVID at gumaling ang misis ni Gary Valenciano na si Angeli Pangilinan, nauna na ngang tinamaan nito ang anak nilang si Gab Valenciano.

Sa Instagram ni Gab ibinahagi niyang gumaling na siya sa virus. Ang pamilya, mga kaibigan lang daw niya ang nakaalaman na tinamaan siya ng COVID-19 last year.

Nag-donate si Gab ng kanyang dugo sa Red Cross para makatulong sa mga severe cases ng COVID-19. Ipinaliwanag nito na ang plasma sa dugo ng gaya niyang mga  naka-recover sa Coronavirus ay nakakapagpagaling sa mga may matinding tama ng COVID-19.

Hinikayat niya sa IG ang iba pang naka-survived sa COVID-19 na mag-donate ng kanilang dugo para makatulong na makaligtas ng buhay.

Gabbi natakot sa mga kapanalig ni Digong

Nagpauna si Gabbi Garcia sa mga netizen na huwag siyang talakan o laitin ng mga DDS sa kanyang tweet. Dahil sa MECQ na nga ngayon, nalito si Gabbi at hindi na raw niya alam ang mga guideline na dapat sundin mg mga tao sa ilalim nito.

“May guidelines na ba for MECQ. Nalilito na ko sorry na. Honest question to wag nyo ko i-bash,” sabi ni Gabbi.

Naging mabait naman kay Gabbi ang mga netizen at mga DDS na nagpadala ng screenshot ng guidelines kaugnay sa MECQ.
In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.