Una sa Balita

Alert level sa Mayon Volcano, fake news – mga netizen

By
0 850

Nanawagan ang mga netizen sa ilang nagpapakalat ng balita na pagsabay ng bulkang Mayon ng pag-aalburoto sa Taal Volcano.

Giit ni @BanananaMinion, noong nakaraang taon pa nasa Alert Level 2 ang Mayon Volcano kaya tigilan na ang pagkakalat ng balita tungkol dito na nagdudulot lang umano ng panic.

Ang kailangan aniya ay magdasal at magpokus sa kasalukuyang sitwasyon ng Taal Volcano.

“Just to clarify, mayon volcano was on alert level2 for quite some time now. It’s just that since pacific ring of fire is currently active so it’s scarier,” saad naman ni @ikonnowfound.

“Stop causing panic, Mayon Volcano has always been on alert level 2,” wika ni @arnoldcanceran_.

“Yup, Mayon Volcano is on Alert Level 2 but it has been that way since October 2019. Stop spreading panic, you’re not helping. Let’s focus on the real threat which is the unrest of Taal Volcano. Chill lang si Mayon, sana kayo din,” giit ni @hoopheadAnn.

“Guys stop spreading fake news about Mayon since before Mayon is on alert level 2, don’t frustrate everyone’s mindset, and also stop posting a nonsense about what happening now’ remember that all we need to do is to pray for everyone safety,” pakiusap naman ni @halfpy_.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More