Una sa Balita

Alert level 2 pa rin sa Mt. Kanlaon

By
0 18

Bagama’t bumaba ang naitalang volcanic earthquakes sa Mt. Kanlaon sa Negros Occidental sa loob ng nakalipas na 24 oras ay patuloy umano na nakataas ang Alert Level 2 at nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng posibilidad na pagbuga ng bulkan ng abo o phreatic eruptions.

Sa Kanlaon Volcano’s seismic monitoring network ng Philvolcs ay nakapagtala ng 24 volcanic earthquakes sa loob ng 24 oras mula alas-otso ng umaga noong Biyernes hanggang alas-otso ng umaga ng araw ng Sabado.

Kung ikukumpara umano ay mas mababa pa rin ang nasabing mga bilang sa 279 volcanic earthquakes na naitala sa loob lamang ng Nobyembre 14 at Nobyembre 15 na nagbigay daan para isailalim sa Alert Level 2 ng Phivolcs ang Mt. Kanlaon.

Sa pinakahuling bulletin ng ahensya, nanati­ling mataas ang level of unrest ng Mt. Kanlaon kaya pinag-iingat ang mga residente, mahigpit na ipinagbabawal ang paglapit dito.

“Alert Level 2 status prevails over Kanlaon Volcano, which means that the volcano is undergoing a moderate level of unrest.” nakasaad sa bulletin ng Philvolcs.

Inaabisahan din ang Civil Aviation Authorities na bawal dumaan ang mga eroplano sa summit ng Mt. Kanlaon.