Una sa Balita

Alejano sa Hugpong: Di tulad niyo, nanindigan ang Otso

0 507

MATAPANG na sinagot ng Otso Diretso candidate na si Gary Alejano ang mga alegasyon na nagpasikat lang ang mga kandidato ng oposisyon sa tangka nilang pagpunta sa Scarbo­rough Shoal upang iprotesta ang pagbabanta ng China sa West Philippine Sea.

Ito ay bilang tugon sa pagtira ni Jiggy Ma­nicad, isang dating TV broadcaster na kandidato ngayon ng admi­nistrasyon, na nagsabi na isinugal ng Otso Diretso ang sensitibong diplomasya ng bansa nang nagpunta sila sa Masinloc, Zambales para lamang sa publicity.

Buwelta naman ni Gary—isang dating Marine captain—matagal na niyang pinaninindigan ang isyung ito, ‘di gaya ng baguhang politiko at ng ibang kandidato sa ilalim ng Hugpong ng Pagbabago, na nana­natiling tahimik sa isyu.

“Bago pa man (ang) elections matagal na isyu na itong tinatayuan ng Magdalo. Kayo, lalo na ikaw Jiggy, ano tayo niyo?” ani Gary sa kaniyang Twitter account.

Isa si Gary sa mga kilalang kritiko ng mga pro-China na polisiya ng administrasyon, partikular na ang kawalang aksyon nito sa patuloy na pagsakop at militarisasyon ng China sa West Philippine Sea.

Sakaling palaring mahalal sa Senado, maghahain si Gary ng isang panukala na bubuo ng Department of Maritime and Ocea­nic Affairs na tututok sa maritime strategy ang gobyerno upang laba­nan ang mga pagkilos ng Tsina sa mga teritor­yo ng bansa.

Kasama ni Gary na tumungo sa Masinloc noong nakaraang linggo ang iba pang kandidato ng Otso Diretso.

Patuloy na maninindigan para sa pagtatanggol ng mga teritoryo ng Pilipinas sina Senator Bam Aquino, ang mga nagbabalik na lingkod-bayan na sina dating senador Mar Roxas at dating congressman Erin Tañada, at ang mga bago ring sasabak sa politika, ang iginagalang na human rights lawyer na si Chel Diok­no, beteranong abogado na si MacaRomy Macalintal, dating ARMM assemblywoman na si Samira Gutoc, at dating solicitor general Pilo Hilbay, na bahagi ng legal team na lumaban sa arbitral tribunal.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy