Una sa Balita

Alejano kumasa sa Plaza Miranda debate

By
0 1,018

Kinasahan ni Otso Diretso senatorial candidate at Magdalo Rep. Gary Alejano ang debate sa mga pambatong kandidato ng administrasyon.

Sa ipinaskil na mensahe sa kanyang Twitter account, inihayag ni Alejano na walang atrasan itong makikipagtagisan ng punto at katuwiran sa mga kalabang kandidato.

Si dating Special Assistant to the President (SAP) Bong Go ang gusto umanong makadebate ni Alejano.

Ang paksa ng talakayan ay isentro umano sa isyu sa pagitan ng Pilipinas at China, ayon kay Alejano.

“Kung ganun, sa Plaza Miranda tayo, Bong Go, 12nn, Monday, Feb 25. Game na akong maka-debate para pag-usapan ang China issue,” sabi ni Alejano sa Twitter.

Nitong Miyerkoles, Pebrero 20, ay nauna nang binanggit ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na nakahanda ang mga sena­torial bet sa ilalim ng itinatag niyang regio­nal party na Hugpong ng Pagbabago (HNP) na makipagdebate sa mga isyung kinakaharap ng bayan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy