Una sa Balita

Alegasyon laban sa economic adviser seryosohin — Alejano

By
0 258

HINDI dapat ipagsawalang-bahala na diumano’y sangkot sa iligal na droga ang Chinese na advi­ser ni Pangulong Rodrigo Duterte, giit ng Otso Diretso candidate na si Gary Alejano.

Muling kinuwestiyon ni Gary at iba pang kandidato ng Otso Diretso ang drug war ng administrasyon matapos lumutang ang dating police co­lonel na si Eduardo Acierto, na naglabas ng mga litratong umano’y nagpapatunay na sina Michael Yang at Allan Lim ay malapit kay Pangulong Duterte. Ayon kay Acierto, na 18 taon nang drug operative, sina Yang at Lim daw ay kilalang sangkot sa iligal na droga.

Iginiit ni Gary na hindi dapat isantabi ng mga awtoridad ang impormasyong ito. Nakababahala umano na sa kabila ng pagsasabing mahalaga ang drug war, ‘di man lang inaksyunann ang ganito kabigat na intelligence report ng mga ahen­syang gaya ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency.

Dagdag pa ni Gary, isang malaking kabalintunaan na noong una pa lang na nilabas ni Acierto ang diumano pagkakasangkot nina Yang at Lim sa droga ay hindi na kinilusan ng mga awtoridad.

Bukod kay Gary, nagpahayag din ng pagkabahala ang mga kandidato ng oposisyon na sina peace advocate Samira Gutoc, dating congressman Erin Tañada, at dating Solicitor General Pilo Hilbay. Lahat sila ay nanawagan na magkaroon ng pormal na imbestigasyon kay Yang at Lim

Kasama din nila sa Otso Diretso slate sina Se­nator Bam Aquino ang mga nagbabalik na lingkod-bayan na sina dating senador Mar Roxas; at ang mga bago ring sasabak sa politika: respetadong abogado na si Chel Diokno at beteranong election lawyer na si MacaRomy Macalintal.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy