Una sa Balita

AlDub Nation, muling lumuha sa AlDub anniv!

By
0 142

Timing na timing ang pagpapalabas ng Imagine You & Me nina Alden Richards at Maine Mendoza sa first year anniversary ng KalyeSerye ng Eat Bulaga. Sa tagumpay ng Imagine You & Me ay naramdaman muli ng buong mundo ang ALDUB Nation.

Nagbalik ang sigla nung kainitan ng tamba­lang Alden Richards at Maine Mendoza. Kung sa premiere night ay tumulo ang luha namin dahil sa kilig at nostalgia na kesehodang nadukutan ako na hindi naman nakatulong sa Dukot movie, ay mu­ling bumuhos ang luha namin habang pinapanood ang kaganapan sa anniversary presentation ng KalyeSerye sa longest running noontime show dito sa Pilipinas, ang Eat Bulaga.

Sa mga pangyayaring ito ay ipinakita ng mga supporters nina Alden at Maine na hanggang ngayon ay nandiyan pa rin sila. Mga Pinoy of all ages from around the globe na araw-araw ay sinusundan ang kaganapan ng dalawa.

Hindi nga maipaliwanag ni Maine ang nararamdaman niya sa mga nangyaring kasikatan niya. Kaya dedma siya sa mga bashers niya na kesyo hindi naman daw sisikat kung wala si Alden. Ang sa kanya raw ay ginagawa niyang lahat ito para magpasaya sa iba at kung mawala man lahat ay okay lang sa kanya.

Oo nga naman at hindi naman siya bread winner at mayaman ang pamilya niya na puwede siyang mamuhay ng marangya kahit hindi siya nag-artista.

Siyanga pala ang aming pakikiramay kay Tenten sa pagkamatay ng kanyang kapatid na nakaburol ngayon sa Sta. Rosa sa Laguna. Si Tenten ang matagal ng PA ni Alden Richards.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More