Una sa Balita

AlDub Nation lumuha sa blog post ni Maine

By
0 102

Gulantang ang AlDub Nation sa open letter ni Maine Mendoza sa kanyang blog/Twitter last Sunday. Nagmarka ang tweet niya, “I got myself. I will catch myself, and will pick up myself up.”

May lungkot man ang AlDub Nation sa paglabas ni Meng ng kanyang saloobin, marami pa rin naman ang sumuporta sa kanya, at isa nga si Ai Ai delas Alas.

Matapos makarating kay Ai Ai ang blog ni Meng, agad niyang binasa ito at inilabas ang suporta sa kanyang Instagram.

“GO GIRL!! Whatever makes you happy support kita and same with Alden…sabi mo kahit 10 lang fans mo…bec of this 11 na ako (lalo na 11/11 bday ko hehe mema lang). THE SECRET OF HAPPINESS IS FREEDOM AND THE SECRET OF FREEDOM IS COU­RAGE. GOD BLESS YOU @maine­dcm” bahagi ng caption ni Ai Ai.

Isa rin si Direk Joey Reyes na bumilib ay Maine. Siya ang unang nagdirek kay Maine sa movie na My Bebe Love.

“The honest heart is that one which is most true. And more often than not it takes great courage to say what should be said…while only few are capable of speaking what is in their hearts and minds,” tweet ni Direk Joey.

Millennial baby si Maine kaya matapang magpahayag ng kanyang nararamdaman.

Samantala, isa rin sa apektado sa blog ni Meng si Christine Babao na na­nay-nanayan ang peg kina Meng at Alden Richards.

“A time to hug. Time to cry. A time to just hold on…to support them forever & believe in Gods will for our loves. #destiny,” tweet ni Christine.

Hayaan na lang kumawala si Maine sa kanyang hawla dahil tao rin naman siya na may karapatang magdesisyon para sa sarili.