Una sa Balita

AlDub, LizQuen, KathNiel kinabog! MayWard top love team sa twitter

0 277

Naglabas na ng ‘Top Love Teams’ ang Twitter Philippines. At sino-sino nga ba ang maingay, gumawa ng eksena?

Well, hindi naman daw kagulat-gulat na ang nag-number one ay ang MayWard (Maymay Entrata at Edward Barber). Dahil ang dalawang ito nga raw, bawat kilos ay mababasa mo sa Twitter, na tinu-tweet ng kanilang mga fan.

Hindi na nga raw sorpresa na umakyat sa top spot ng ‘most talked-about’ love teams on Twitter for the month of January-March ang MayWard. At mukhang habang tumatagal ay lalo pa silang palakas nang palakas.

Kaya ang mga fan nila, super nagbunyi talaga. Heto ang mga tweet nila:

OptimisticMWfan @MWgoodvibes: “Ang #MayWard super talented, kaya makikita sa bawat sulok ng showbiz — music scene, movie scene, fashion &
modelling scene, mag covers, hosting, endorsements, and very soon tele­serye scene! Keep it up #MaymayEntrata, #EdwardBarber & MW Family!”

At siyempre kung may Maymay, dapat may Kisses Delavin. Number 2 nga ang DonKiss (Donny Pangilinan at Kisses), ha! Sobrang aktibo nga ng mga fan nina Kisses at Donny sa Twitter, na bawat artikulong naisusulat sa kanila, o kahit anong ganap pa sa mga idolo nila, palagi nilang ipinu-push. At maru­nong silang magpasalamat sa mga manunulat na tumutulong sa mga idolo nila, ha!

Yoona Oh!GG @KissableYoona20: “Congrats #DonKiss laban lang oh, nakaka-happy to see you at second spot kahit medyo nagkagulo nowadays @KissesDelavin @donnypangilinan #ALifeFullofKISSESoldOut.”

Anyare na sa AlDub? Well, pang-third pa rin naman sila, kahit na sabihing wala na talaga silang project na ginagawa na magkasama. Si Alden ay nasa Hong Kong ngayon kasama si Kathryn Bernardo para sa pelikula nilang “Hello, Love, Goodbye.”

Pang-apat naman ang LizQuen (Liza Soberano at Enrique Gil), na hindi rin masyadong aktibo ngayon sa social media, dahil wala rin siguro silang teleserye ngayon. Nasa Amerika ang dalawa ngayon at nag-i-enjoy sa bakasyon nila.

At siyempre, pasok pa rin ang KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla), na kahit dumaan sa samu’t sa­ring intriga na kesyo naghiwalay sila, hindi pa rin sila nawawala sa social media. Sa kanilang dalawa ay mas aktibo si Kathryn sa Twitter. Si Daniel kasi ay madalang lang mag-tweet, kapag may kinalaman lang sa promo.

Ang JaDine (James Reid at Nadine Lustre) Team Real nga sila, at hindi lang basta-basta love team. Pero, bakit parang humina nga sila sa Twitter? Tamad-tamaran na ba ang mga fan nila?

Anyway, congrats sa MayWard! (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy