Una sa Balita

AlDub fan sobrang galit: Arjo, Maine nahuling magka-holding hands

By
0 832

Pinag-uusapan ngayon ang video na kuha ng isang faney kung saan nakita na mukhang naghawakan ng kamay sina Maine Mendoza at Arjo Atayde habang pasakay ng elevator na kuha nga raw sa isang block scree­ning ng pelikulang Jack Em Popoy: The Puliscredibles kung saan magkasama rin sila sa movie.

Sinundan talaga ng faney ang dalawa hanggang mahuli nga ng kanyang kamera ang tila paghawak ng kamay ng dalawa.

Siyempre, iba’t ibang reaksiyon na naman ang inani nito lalo na sa solid AlDub Nation, pero dedma naman na si Arjo dahil sa simula pa lamang nung ma-link sila ay puro na ang pamba-bash na inabot niya.

Pero, kung susuriin mo naman ang video, ang pakiramdam namin ay nagiging gentleman lang ang anak ni Sylvia Sanchez lalo na’t nasa elevator sila. Kahit sino namang lalaki na kasama ni Maine ay tiyak na aalalayan ito o kung sinumang babae na kasama nila, devah?
Aba, baka mas i-bash siya kung wala siyang paki sa kanyang kasama at akusahan pa siyang walang keber at very ungentlemanly.

Mas maganda nang i-bash siya na umaalalay sa isang babae, kaysa naman akusahang beki dahil hindi marunong maging gentleman, buh!
Anyway, kahit may mga nagsasabing “action speak louder than words” sa kung ano talaga ang namamagitan sa dalawa, buhay na buhay pa rin ang ilusyon ng karamihang fans ng AlDub na sila talagang dalawa ang mag-on at may forever sa kanila.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy