Una sa Balita

Alden umaming may binabalikan sa Japan

By
Alden Richards
0 82

Sunod-sunod din ang Instagram stories ni Alden Ric­hards na nasa Japan ngayon, kasama ang pamilya niya para sa much needed na bakasyon. Ang closeness ni Alden sa pamilya niya, mula sa mga kapatid, lolo, lola niya, feel na feel sa mga pino-post niya.

Nagsisilbi nga siyang photographer/videographer ng pamilya niya, na lahat ng pinupuntahan nila, kinakain, pino-post niya sa IG.

Siyempre, hindi pinalampas ni Alden ang pagbabad sa hot spring sa Japan o ‘onsen’. Na sabi nga niya…

Abante Hiring – IT dep

“When something gets you good, you keep on coming back for more.”

Well, natupad nga raw ang matagal na ring wish ni Maine para kay Alden, at ‘yun ay ang makapagpahinga, makabakasyon ito, kasama ang pamilya, na walang iniisip na kahit na anong trabaho.

Sa comments sa IG post na ‘yon ay puro positive at support ang mababasa mo. At sabi nga, nakaka-good vibes talagang tingnan ang mga larawan ni Alden.