Una sa Balita

Alden tutulong matupad ang pangarap ng mga bata

0 448

Talaga nga namang jack of all trades ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards dahil bukod sa ipinamalas niyang galing sa pag-arte ay masusubukan naman ang galing niya sa hosting at pakikipagkulitan sa mga bagets sa newest musical game show niya.

Ayon kay Alden sa katatapos lang na presscon ng naturang show, excited daw siya na ma-inspire at ma-motivate ang mga bata na abutin ang kanilang mga pangarap ganu’n na rin ang pagiging kuya niya sa mga ito.

Samantala, hindi lang sa acting at hosting may ibubuga si Alden dahil maging sa larangan ng music industry ay hindi rin ito papatalo dahil nag-chart lang naman ang tatlo niyang kanta na “Wish I May”, “Say It Again”, and “Until I See You Again” sa iTunes Philippines ngayong Linggo.

***

Matapos ang kanyang pagkapanalo sa sixth season ng artista search noong 2015, tuloy-tuloy ang blessings na natatanggap ni Migo Adecer lalo na sa kanyang stable career sa Kapuso Network. Marami ang nakapansin sa kanyang galing sa pag-arte nang gampanan ang role ni Jordan sa award-winning epic drama serye last year kung saan nakasama niya sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix. Tiyak na maraming fans ni Migo ang matutuwa dahil gabi-gabi na siyang mapapanood sa newest teleserye kasama sina Barbie Forteza at Kate Valdez.

Ayon pa kay Migo, excited na raw siya na pag-agawan ng dalawang naggagandahang babae.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More