Una sa Balita

Alden tumangging magpagamit sa politiko

0 695

Wala talagang magawa ang mga basher kundi manira ng mga artista na hindi nila type or sinusuportahan. Gaya na lang ni Alden Richards na ang nasisilip ay ang mga post niya sa social media na mga picture niya from his recent trip to Japan na sponsored by Aldenatics, one of his loyal groups.

Imbes na ang concern ay ang kaligtasan ng mga Taal volcano victim, ang trip ni Alden ang pinagkakaabalahan nila.

Alam ninyo, hindi komo nagpo-post ang isang artista ay wala na itong ginagawa. Mas pabor ako sa mga may ginagawang tulong nang walang publicity para masabi natin na bukal sa kalooban ng isang tao without much fanfare.

Aminin natin may mga tumutulong for publicity purpose. Hindi ninyo kilala si Alden na may mabuting kalooban. Marami ngang politiko na gusto siyang gamitin sa pagtulong sa mga kababayan natin para makakuha ng publicity, pero hindi niya ginagawa o tinatanggap kahit may kapalit ‘yan.

Kaya huwag kayo manghusga at tignan ninyo mga sarili ninyo kung may naitutulong kayo imbes na magngangawa kayo.

Nag-uumpisa pa lang si Alden ay nakita na namin ang kabaitan niya na hanggang ngayon ay walang pagbabago. Unlike ‘yung ibang artista na kaunti lang ang inangat ay ramdam mo na ang yabang.

Kay Alden lang namin nakita ang simpleng natulong mo sa kanya na makamit ang isang bagay ay napakalaking pabor na sa kanya. Ramdam namin ang appreciation niya sa nagawa mo para sa kanya.

Para bang malaking utang na loob sa kanya ang pabor na nagawa mo sa kanya. Hindi katulad ng iba na marami ka na ngang nagawa ay parang balewala after mabigyan mo ng pabor. Dapat tularan si Alden ng ibang artista. Talbog!

Erap ganadong kumanta sa party

Gusto namin magpasalamat kay Jinggoy Estrada sa masaganang hapunan noong Miyerkoles ng gabi para sa early birthday celebration namin together with Mario Bautista.

Dumating din si former Pres. Joseph “Erap” Estrada na paulit-ulit kaming kinantahan ng Happy Birthday. Salamat din kay Edu Manzano at Redgie Magno na dumating din.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More