Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Alden tuhog sa lambingan kina Jasmine, Bea

0 238

Kung walang magiging aberya at higit sa lahat, kung negatibo naman sa swab test, lalo na ang mga bida ng “The World Between Us” na pagbibidahan ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith, posibleng magsimula at magtuloy-tuloy na raw ang taping ng serye ngayong May.

Bago ang lock-in taping, kasama na sa protocol ngayon ang mag-quarantine muna sa hotel ng seven days, including ang pagpapa-swab. Kapag negative, diretso na ang mga ito sa location ng lock-in taping.

Importante na sa mga lead star na cast, walang mag-positibo para diretso taping na agad.

Mali ang unang nasulat dati na unang magsu-shooting si Alden ng movie nila ni Bea Alonzo. Pero ang sigurado raw (so far, kung walang major na pagbabago), after ng lock-in taping ni Alden sa bago niyang serye, sisimulan na ang lock-in shooting naman ng movie.

Kaya itong last half ng taon, siguradong mas magiging busy si Alden.

Ang huli pa naman niyang ginawang serye at pelikula ay mga natapos ng pre-pandemic pa. (Rose Garcia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.