Una sa Balita

Alden, todo-alalay kay Maine sa pagnenegosyo…

By
0 118

Masayang-masaya ang Pambansang Bae na si Alden Richards dahil sa business ng kanyang ka-loveteam na si Maine Mendoza. Noong nakaraang weekend ay nagkaroon ng blessing ng fast food franchise ni Maine sa Bulacan.

maine-aldenInamin ni Alden na nabibigyan niya ng advice si Maine lalo na tungkol sa pagtayo at paghawak ng sariling negosyo.

 “‘Pag nag-uusap kaming dalawa, ‘Ano ba’ng gusto mong business?’

“Actually, hindi talaga food ‘yung gusto niyang gawin, mayroon pa siyang in mind. Pero ito ‘yung nag-materialize,” sabi ni Alden.

Ikinatutuwa pa ni Alden na makita niyang nakapagpundar si Maine matapos itong magtrabaho nang husto sa showbiz sa loob ng dalawang taon. 

“I’m very happy na nagkaroon siya ng chance na makita naman ‘yung pinaghirapan niya for the past two years.

“And I’m sure parang wala na po akong maia-advice sa kanya, kasi both of her parents are business people and parang alam-alam nila ‘yung gagawin.

“Kasi ang parents ko po, ‘yung dad ko, very insistent eh, mag-push mag-negosyo.

“And the people, ‘yung mga advisers ko, ‘yung mga mentors ko, ‘yun talaga ‘yung sinasabi.

‘Yun din po ‘yung sini-share ko kay Maine ‘pag nag-uusap kami, na kahit papaano, since you’re earning, why not put it up sa mga businesses, kasi nandun ‘yung future, wala sa material na bagay.”

Kaya naman bukod sa isang restaurant, meron ding iba pang mga negosyo na bubuksan si Alden, kabilang na rito ang isang malaking gasoline station.

Si Alden naman bukod sa mahusay na ring maghawak ng negosyo, nasa puso rin niya ang maging charitable kaya malapit ang suwerte sa kanya.

Kelan lang ay may mga binigyan siya na mga community workers na libreng spa day para ma-relax sila sa sobrang sipag nila sa trabaho. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy