Una sa Balita

Alden tinalo si Daniel sa Twitter

0 413

abante-i-know-better-jun-nardoBinulabog ni Alden Richards ang isang bahagi ng Biñan, Laguna kahapon dahil sa grand opening ng kanyang global food chain!

Hindi alintana ng dumagsang tao ang init ng araw para masaksihan ang event at siyempre, para masilayan nang harapan  ang Pambansang Bae.

Kumpleto ang Faulkerson family na inspirasyon ni Alden sa pagtatayo ng negos­yong ito. Upang ma-focus ang atensyon sa family business, nagbitiw sa trabaho ang daddy at mga kapatid ni Alden.

Sa Twitter, nagpista ang netizens sa mga kaganapan sa grand opening. Ang gamit na hashtag ng fans ni Alden ay number one sa trending topics sa Twitter PH. Tinalo nito ang hashtag na #Danile1024 para sa 24th birthday ni Daniel Padilla.

Bumalik sa bansa si Alden from Hong Kong para sa pagbubukas ng negosyo. Pero babalik ulit siya roon dahil may ilang araw pa silang shooting ng movie nila ni Kathryn Bernardo, ang “Hello, Love, Goodbye.”

Type pa ring tikman: Kim ayaw tantanan ng mga politiko, negosyante

Hindi na masaya si Kim Domingo sa image niyang seksi kaya nagdesisyon siyang bumitaw sa dating imahen at mag-focus sa kanyang pag-arte.

Pero wala naman daw kinalaman ang tambak na indecent proposals (mula sa mga politiko, negosyante) na natanggap niya nang ilatad niya ang katawan niya.

“Dati na namang merong ganyan. Kahit nu’ng nagmu-model ako, meron nang ganyan eh. Hindi ‘yun ang reason kaya tumigil ako (magpaseksi),” bulalas ni Kim nang bisitahin ng press sa movie niyang “Lala en Kiko” na pinagbibidahan ng komedyanteng si Tekla.

Bawi niya, hindi naman daw totally na balot na balot ang katawan niya sa pictures o sa mga labas niya sa TV at movie. ‘Yun nga lang, ayaw na niyang magsuot ng two-piece bikini!

“Kasi nu’ng summer special ng ‘Bubble Gang’, one-piece lang ang suot ko!” diin niya. Pero bilang endorser ng isang local clothing brand, swak pa rin sa kanya ang magsuot ng underwear.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy