Una sa Balita

Alden superhero nina Janine, Andrea

By
0 1,106

Nakiusap na si Pambansang Bae Alden Richards sa kanyang mga basher na i-limit ang mga hate comment sa kanya lamang at huwag nang idamay ang mga co-star niya sa ‘Victor Magtanggol’ na sina Andrea Torres at Janine Gutierrez.

Simula pa lang daw na mabalitang sila ang mga makakasama ni Alden sa naturang telefantasya, nakakatanggap na ng bashing ang dalawa at bothered ang aktor dahil hindi raw dapat madamay sina Andrea at Janine kung sa kanya galit ang mga basher.

“Ako na lang po ‘yung i-bash nila kasi tutal sa akin naman sila may sama ng loob eh.

“Masaya po kasi ang atmosphere ng set namin. Lahat po kami maganda ang vibes sa pakikipagtrabaho sa isa’t isa. Kaya kapag may nababalitaan ako na may nang-bash sa isang co-star ko, ako na ang nagsu-sorry sa kanila.

“Ayoko kasing wala akong ginagawa sa mga nangyayaring ito. Mga kasama ko sila sa work kaya in my own little way, napoprotektahan ko sila,” sey pa ni Alden.

Nabanggit nga ni Alden na gusto niyang ma-experience ang magdirek ng isang episode ng Victor Magtanggol. Madalas daw kasi siyang nakikisilip sa monitor kapag hindi siya ang kinukunan ng eksena.

“Kahit po sana isang eksena lamang dito sa Victor Magtanggol, bigyan ako ng chance ni Direk Dominic Zapata. Siguro po napapansin ni Direk Dom na after kong mag-take, o kapag wala akong eksena, nasa OB-Van ako.

“Nakikita ko po kasi kung paano niya ihanda ang eksena, at tinatandaan ko ang mga ginagawa niya. Kaya sana po bago matapos itong serye namin, mabigyan ako ng chance.”

Thankful si Alden na sinama siya ng creative team sa pagbuo ng character niya sa telefantasya.

“Ito po ang first time ko na makapag-inject ako ng ideas sa isang character na gagampanan ko. Salamat at nabigyan nila ng importansya ang mga suggestions ko. Malaking bagay para sa akin ang meron akong nai-contribute sa pagbuo kay Victor Magtanggol,” pagtapos pa ni Alden Richards. ()