Una sa Balita

Alden suko na, hindi kayang patumbahin si Coco

‘Wala na po kaming magagawa roon’

By
0 1,824

Given na nga si Alden Richards halos ang lahat ng eksena na kinukunan nu’ng dumalaw kami sa taping ng Victor Magtanggol bilang siya ang bida ng primetime series na ito ng GMA-7. Pero kahit alam mong pagod, puyat ito mismong mga co-star na niya ang nagpapatunay na ibang klase raw talaga ang attitude sa work ni Alden.

‘Yung tipong sila ang mahihiya sa energy nito at sa pagiging masayahin pa rin at halos lahat daw talaga, kinakausap sa set.

Nang makausap na namin si Alden, diretsuhan na itong tinanong kung nakikita naman niyang sulit naman ang effort na binibigay niya for Victor…

Abante Hiring – IT dep

“Worth it po,” mabilis niyang sagot.

“Aminin na po natin, we’re having difficulties with the ratings but we don’t mind. Actually ako po, I don’t rea­lly mind kasi yung feedback po and reaction that we get from the audience, especially yung mga bata, parang yun po ang drive namin to be more passionate with our work.

“Kasi yung mga aspeto po na yun, hindi na namin kontrolado especially ra­tings, wala na po kaming magagawa run. Ang tanging­ magagawa po namin ay mapaganda ang istorya at ipagpatuloy ang kalidad ng Victor Magtanggol.”