Una sa Balita

Alden, simple lang ang b-day party!

By
0 2
Alden Richards
Alden Richards

Kaarawan ni Alden Richards kahapon, pero live pa rin itong nagtrabaho sa Eat Bulaga at actually, bumilib kami rito dahil sa New Year’s countdown ng Kapuso, live pa rin siyang suma­lubong dito kasama ang ibang mga Kapuso stars.

Anim na taon na raw na nagka-countdown si ­Alden, kung ilang taon na rin siya sa showbiz.

Kung tutuusin, puwedeng tumanggi si Alden sa countdown bilang isa sa pinaka-big star ng network at makasama ang pamilya sa pagsalubong ng Bagong Taon, pero, si Alden mismo ang may gustong mag-countdown.

Konting trivia, ang Kapuso’s New Year countdown ang kauna-unahang show na ginawa ni Alden sa network at ito rin ang unang pay cheque na natanggap niya.

Kaya siguro sa actor, naiisip niyang isa ito sa ­nagsimula ng career niya at kung gaano na siya ngayon. Parang ­paglingon na rin sa pinanggalingan, ‘di ba?

Anyway, sa birthday nga ni Alden kahapon, simple lang niya itong isinelebreyt sa kanyang Concha’s Restaurant kasama ang mga pi­ling kaibigan sa loob at labas ng showbiz sa pamamagitan ng thanksgiving mass.

Mas preferred daw ni Alden na mag-celebrate lang ng tahimik ngayon.

Last year, puro charities ang ginawa niya, pero kahit alam naming ayaw ipasulat ni Alden, nabalitaan naming tuluy-tuloy pa rin ang mga pagkakawang-gawa niya, pero isa ito sa mga bagay na ayaw na raw nitong ­inaanunsiyo pa.