Una sa Balita

Alden sariwa, mas masarap panoorin kesa kay Coco

0 2,262

Tinutukan namin ang pilot episode ng Victor Magtanggol ni Alden Richards at hindi naman kami nabigo sa napanood namin.

May promise ang fantaserye at bagay na bagay kay Alden ang pagkakaroon ng parehong humor at seryosong aura kahit na nakikipagbakbakan siya.

Well, siguro ay pupunahin ng ilan ang pagkakatulad ng ope­ning scene nito sa na­ging opening scene din ng Ang Probinsyano ni Coco Martin, kung saan ipinapakita ring kenkoy na action hero ang peg ng bida, pero sa ganang amin, mas sariwa at batang panoorin si Alden, plus pa na mas masarap itong pakinggan na nag-i-English. Hahahaha!

Mukha ngang pinaghandaan ito ng guwapong aktor, na soon ay tatawagin na ring action hero. Congrats sa iyo Alden at sa bumubuo ng Victor Magtanggol!

At least sa ngayon, may mala­king katapat na ang teleserye ni Coco na mas sariwa, bago at nakakaengganyong panoorin at sundan ang kuwento. Matatawag nga itong better alternative.

So make your choice!

Ronnie, Loisa matamis ang halikan, balikan

Pinasahan kami ni partner Grets Fullido ng latest pictures nina Ronnie Alonte at Loisa Andalio, kung saan makikita silang magkasama at hinalikan pa ng matamis sa pisngi ni Ronnie ang batang aktres.

Last few days back lang kasi, napabalitang nagkaroon sila ng tampuhan at inamin nga ni Ronnie na ‘cool off’ muna sila.

Pero nitong weekend nga sa isang okasyon (gaya ng aming naisulat dito) ng kanilang mga ka-tropa, muling nagkabatian ang dalawa at kli­naro nga ng mga ka-tropa nila ang hindi kagandahang tsismis kay Loisa.

Then, yesterday nga, sa ipinasang mga pic ni partner Greta, hayun na uli ang dalawa, masa­yang nakatawa, habang yakap-yakap sa leeg ni Ronnie si Loisa, at hinahalikan niya ito sa pisngi.

Hay, young love!