Una sa Balita

Alden sabik na sa babaeng magpapaligaya sa kanya

0 4,088

Napapanahon na raw na magkaroon ng inspirasyon si Alden Richards. Ito ang sabi niya sa presson ng Victor Magtanggol last Monay, na mapapanood sa GMA sa July 30.

Ayon kay Alden ay nasasabik na siya na makahanap ng babaeng magpapaligaya sa kanya.

Sabi ng mga kasamahan sa panulat ay kung may panahon pa ba siya dahil araw-araw ay may trabaho siya lalo na ngayon nadagdag pa ang Victor Magtanggol taping na talaga namang tinututukan ni Alden ang big budgeted project ng GMA for this year.

Isang malaking pagkakataon kay Alden na mabigyan siya ng ganitong klaseng proyekto na bonggang-bongga ang pondo na full support ng network.

Bukod diyan ay pinayagan siyang maging parte ng creative to the point na hinihingi sa kanya ang opinion sa mga eksenang ginagawa niya.

Maine eeksena sa ‘Victor Magtanggol’

Naniniwala si Alden na malaki ang chance na makapag-guest ang ka-loveteam niyang si Maine Mendoza. Full support daw si Maine sa Victor Magtanggol gaya ng pagsuporta niya sa bawat project na ginagawa ni Maine.

Gusto rin ipaalam ni Alden na buhay na buhay pa rin ang ALDUB na marami pa rin ang sumusuporta. Kaya hindi malayo na may mga project na magkasama sila in the near future.

Maganda ang trailer ng Victor Magtanggol at gaya ng Encantadia ay maganda ang hinaharap nito. Kaya lahat ay tututok sa Victor Magtanggol simula sa Lunes, July 30 after 24 Oras.