Una sa Balita

Alden Richards ginamit si God sa paghuhubad

0 642

Why so hot Alden? Ganiyan nga ang sunod-sunod na reaksiyon, tanong ng mga fan kay Alden Richard­s, dahil sa pa­nibagong pasabog na naman niya kahapon sa Instgram.

Eh kasi naman, big­la na naman siyang nag-post ng picture na nakatingin sa kawalan, habang nasa isang mataas na building (condo). At sino ba ang hindi mabubulabog, dahil nakahubad na naman nga siya, na kahit may tapis na tuwalya, ang baba pa rin ng tuwalya, na konting kilos lang niya, baka mahubaran o malantad na ang kanyang wetpaks at nota.

“Take a deep breath. Let your heart take courage,” sabi ni Alden.

At sa mga fan niya na unang tiningnan ang photo kesa caption, kung ano-ano na nga ang naglaro sa utak nila. Oo naman, nagpantasya na agad sila kay Alden.

Pero, noong binasa nga nila ang caption, parang nagbago ang pakiramdam nila.

“Nothing is too difficult for GOD. Good morning!” nakalagay sa caption ni Alden.

‘Yon na nga, na-confuse, naguluhan tuloy ang mga fan. Sabi nga ng kaibigan niyang si Kristoffer Martin, ano koneksiyon ng pag­huhubad niya kay God.

“Ano? Charot. God related. Okay koya,” sabi ni Kristoffer.

At ‘yon nga rin ang naglaro sa isip ng mga fan. Gulong-gulo sila.

Sabi ni bobcutjazz: “Hahahaha God related daw yan kasi si Eva hinugot sa tadyang ni Adan.”

Hirit naman ni lendlfabella: “HAHAHAHAHAHA!!! Kasi God’s blessing din ang photo!”

Sey naman ni aubreycarampel: “panlaban daw sa covid-19 ‘yan.”

Pero siyempre, marami ang nagwi-wish na sana ay mahulog ang tuwalya at malantad sa kanila ang hubo’t hubad na katawan ng binata.

Sey ni daphnecruz63: “Good morning… btw, hilahin ko kaya twalya mo… sorry cant resist.”

Susog ni jennifalgui: “huy Alden baka malaglag ‘yong towel mo SANA.”
At utos ni xocarmelasoo: “Hubadero naman to! Tanggalin mo na rin kaya ‘yong towel?! ChArOt!”

At buntong-hininga ni anagram1014: “‘Yong ang sarap sana maging makasalanan pero may pagbanggit kay God. *pack up ng kalandian*”

Well…

Maine binigyan ng bonggang birthday party

Ang bongga talaga ng mga fan ni Maine Mendoza. Gumagastos, nagbibigay ng effort, nagla­labas ng datung, para lang mapaligaya ang kanilang idolo.

‘Yon na nga, nagbigay ng birthday party ang mga fan niya sa kanya kamakailan. At bonggang party ‘yon, na todo preparasyon talaga na kabog pa ang mga nagde-debut.

Kaya naman si Maine, kahit sobrang busy pa niya, gumagawa talaga ng paraan para dumalo, pagbigyan ang kanyang mga fan, lalo na ang United Maine Loyalists.

“Thank you for the birthday party @uml_version_2,” sey ni Maine, na ang totoong kaarawan ay noong March 3.

Anyway, kaaliw rin ang photo ni Maine kahapon na lumilipad-lipad ang kanyang buhok. Ang caption kasi niya, ‘Bruha!’

Kaya ang reaksiyon ng mga fan niya, si Maine na ang pinakamagandang bruha sa lahat.

Jasmine pinaglaruan sina Anne, Mommy Carmen

Super enjoy at game na game naman si Jasmine Curtis-Smith sa ginawa niyang ‘Lyric Prank Call’ challenge kung saan tinawagan niya ang kanyang close friends and family.

Ang challenge, tangi lamang sasabihin ni Jasmine ay lyrics ng mga kanta nang hindi dapat tumatawa. Unang biktima ni Jasmine ang co-stars niya na sina Chariz Solomon at Alpha team member Jon Lucas na parehong tawang-tawa sa panloloko ng kaibigan.

Hindi rin nakaligtas sa panggo-good time ni Jasmine ang Mommy Carmen at kapatid nitong si Anne Curtis na noong una ay naguguluhan sa pinagsasabi ng kapatid pero madali ring na-gets ang tunay na motibo nito.

Pinuri naman ng netizens ang galing sa pag-deliver ng lines ni Jasmine nang hindi tumatawa na patunay lamang daw na magaling talagang aktres ang dalaga. Kasalukuyang napapanood si Jasmine bilang si Lt. Moira Defensor at ang katambal niyang si Rocco Nacino bilang si Diego Ramos sa pinag-uusapang Pinoy adaptation ng Korean drama series na bida sina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado.

Marami nga ang kinikilig sa GoRa dahil sa mga nakakakilig nilang eksena sa serye.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More