Una sa Balita

Alden pumiyok sa landian kay Sanya

0 866

Nagsalita na ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa photo at vi­deo na inilabas ng fan na magkayakap sila ni Sanya Lopez. Dahil sa picture na ‘yon, may mga nam-bash kay Alden.

“Ganon naman po ako sa lahat. Siguro napikt­yuran kami, na-videohan. Binabati ko siya kasi, first time ko siyang nakita noon,” saad ni Alden.

“Wala naman po silang dapat — well, kaibigan ko po si Sanya. Ganon po ako sa lahat and sana, ‘wag na na­ting i-badmouth ‘yong tao. Hindi naman natin alam ang totoo. Hindi siya ‘yon, e. Kilala ko si Sanya, mabait na tao.”

Natuwa naman kami nang marinig namin mismo kay Alden na ni-let-go na raw niya ‘yong kailangan consciou­s siya sa magi­ging kausap, katabi o kasamang babaeng co-star dahil sa mga pangyayari noon na todo ang inaabot na pamba-bash ng mga ito madikit lang sa kanya.

Sabi ni Alden, “Hindi na po ako ganon. Hindi na po ako conscious. Kumbaga, it’s giving res­pect to people around you.

“Kung bibigyan man ng malisya ‘yon ng ibang tao, hindi na po namin sagot ‘yon. Hindi na po namin problema. Kasi, kumikilos lang kami sa kung ano ang alam naming tama.

“Hindi po para bigyan ng malisya ang maliliit na bagay. Kasi, palagi tayong magkakaroon ng hindi magagandang isyu ‘pag ganon.”

Nakausap namin si Alden nang dalawin namin ito sa taping ng Sunday all-original singing/game reality show na kunsaan, siya ang host.

Sabi ni Alden na masaya dahil katatanggap lang niya ng Ani ng Dangal Award at sigurado na ang pagi­ging Phenomenal Star awardee nila ni Kathryn Bernardo sa Guillermo Awards, ang bagong show niya sa network ay nai-inspire raw siya sa kabila ng nagi-enjoy siya.

“‘Yong mga bata po, nakikita ko sa kanila ‘yong sarili ko noong nagsisimula pa lang ako. Not in-terms of singing contest, but yung joining contest.

“‘Yong nagpupursige para maabot ang pangarap, nakikita ko ‘yon. Masarap din pala minsan na ma-experience ‘yong ganong bagay para kapag nakikita mo ang mga tao na nandoon na sa process kung saan ka ga­ling, naa-appreciate mo kung ano ang ginagawa nila sa sarili nila kasi, alam mo ang pakiramdam.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More