Una sa Balita

Alden pumalag sa tsismis sa kanila ni Kathryn

0 463

Kung minsan talaga, makagawa lang ng isyu ang ilan. Anyway, mabilis na nilinaw at itinanggi ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ang walang katotohanang isyu na kesyo madalas daw na tumatawag sa kanya ang leading lady sa highest grossing local movie na “Hello, Love, Goodbye” na si Kathryn Bernardo.

Tahasan ngang sinagot ni Alden ang tanong na, “Ay, ‘yan naman po ang hindi totoo. Parang nabasa ko po ‘yan, parang binibigyan po ng malice ang pagka-terno namin ng damit.

“Actually, it’s all by chance. Nagkakataon lang po at sana po, ‘wag nilang bigyan ng malisya ‘yun. I respect Kathryn and Daniel (Padilla) kung ano man po ang meron silang dalawa.

“Kumbaga, kung nabibigyan man po ng malisya ‘yung ganu’ng anggulo, working and pagiging magkaibigan namin ni Kath, sana po, ‘wag. Kasi, I really respect both of them.”

Noong Martes ng gabi rin nagkaroon ng thanksgiving party ang “Hello, Love, Goodbye” at in-announce nga na ito na ang highest grossing Filipino film.

Sa part ni Alden, ang pinakabagong aabangan nga sa kanya ngayon ay ang pagbabalik primetime niya sa GMA Telebabad, ang “The Gift” na magpa-pilot na sa September 16.

Kahit ayaw ng nanay ni Gerald:

Bea inimbitang rumampa sa GenSan

Minsan, nakakaaliw talagang magbasa ng mga comment sa mga Instagram posting ng mga artista. ‘Wag lang ‘yung comment na alam mong OA na sa pamba-bash.

Tulad na lang sa recent IG post ni Bea Alonzo kunsaan sinabi nitong magsisimula na siya sa bago niyang “journey” kabilang na ang pagsisimula niya ng taping sa bagong teleserye.

Sa caption ni Bea, sinabi nitong, “Embarking on a new adventure! We’re going to start taping for our new teleserye tomorrow! There are so many things going on, so many projects to look forward to and I am enjoying every opportunity that is entrusted to me. Sabi nga nila, Trust the Journey.”

Sina Angel Locsin, Bea Saw, Angelica Panganiban, Dawn Zulueta ang ilan sa mga artista na visible sa pagbibigay ng mga comment sa mga post ni Alonzo at patuloy na nagbibigay ng support and encouragement.

Kahit gaano ka-positive ang mga posting ni Bea, meron at meron pa rin talagang mga netizen na ibabalik sa naging isyu. May magkukumpara at magkukumpara.

Base sa comment, may nag-welcome kay Bea sa GenSan. Eh, taga-GenSan ang mommy ng ex-boyfriend niya na si Gerald Anderson. May nag-comment din na, “patay, nandiyan nanay ni Gerald!” At “usap daw kayo ni Aling Vangie.”

May mga nag-congratulate kay Bea sa bago nitong serye pero meron ding nag-comment na, “samantalang ‘yung isa binitawan na ng (endorsement).”

O, ‘di ba, maaaliw ka na lang talaga sa “utak” at mga comment ng netizens.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy