Una sa Balita

Alden pinaligaya ang mga bata sa South Cotabato

By
0 133

abante-talbog-joe-barramedaBukod sa pagiging superhero bilang ‘Victor Magtanggol’, super kuya rin ang Pambansang Bae na si Alden Richards kay Bae-by Baste! Makikita sa Instagram account ng cute na child actor na lumipad patungong South Cotabato ang kanyang best friend na si Alden para maki-celebrate sa kanyang sixth birthday.

Super fun naman talaga ng birthday celebration ni Baste. Pinasaya rin niya ang mga bata mula sa St. Agnes Orphanage.

Ito pa! Siya mismo ang nag-host ng kanyang party ala-Eat Bulaga. Happy birthday, Bae-by Baste!

 

Ken Chanmay ‘MASD’

 

Sabik na si Ken Chan na ipakilala sa mga Kapuso viewer ang kanyang bagong karakter bilang isang binatang may Mild Intellectual Disability with Mild Autism Spectrum Disorder na si Boyet sa ‘My Special Tatay’.

Sa isang eksena kung saan tila may riot sa kanilang lugar, kita ang iba’t ibang nuances ni Ken bilang Boyet.

Pinaliwanag niya ang paraan ng pagpapakita ng emos­yon ng mga taong may ganoong kalagayan.

Ani Ken, nahirapan siya sa kanyang bagong role, “Na-challenge ako sa role na ito kasi marami akong pinagdaa­nan bago ko nakuha ‘yung tamang timpla ng ­karakter ni Boyet.”

Abangan ang pagsasa­buhay niya kay Boyet sa GMA Afternoon Prime!

 

Mga celeb todo suporta kay Mike Enriquez

 

Sa paglabas ng official statement ni President for RGMA Inc. and GMA Consultant for Radio Operations Mike Enriquez tungkol sa kanyang medical leave, iba’t ibang celebrities at media personalities ang nagparating ng kanilang suporta sa kanyang kalusugan.

Hindi naging hadlang sa mga kaibigan niya sa industriya ang kani-kanilang network, at ipinahatid nila ang kanilang hiling sa mabilis na paggaling ng veteran Kapuso news anchor. Lahat ay naghahangad para sa maayos niyang kalaga­yan para maka­balik agad siya sa radyo at telebis­yon.