ALDEN, PINAKALMA ANG MGA GALIT NA GALIT NA FANS!

“Take it easy guys, all is good!” -- Alden

By

Alden Richards
Alden Richards

Sabay na nag-trending ang #ForAlden­AndMaineOnly na nasa #1, at #ALDUBxDTBYPretending na nasa #6 naman. Ramdam na ramdam mo nga na tila nag-uumapaw ang galit sa dibdib ng mga followes nina Maine Mendoza at Alden Richards, dahil na rin sa balitang hanggang sa Mayo na lang ang teleserye ng dalawa, ang Destined To Be Yours.

Pinag-iinitan din ng AlDub Nation ang isang ‘writer’ ng GMA 7, dahil sa sinabi umano nito tungkol sa teleserye ng dalawa. Naka-private ang Twitter account ng ‘writer’ na ‘yon, kaya hindi ko nabasa ang sinasabi ng fans, at hindi na rin ako nag-effort pa na hanapin, kung ano man ang sinabi niya.

“Take it easy guys, all is good,” naman ang mensahe ni Alden sa kanyang mga followers.

Kasi nga, naramdaman din ni Alden ang pag-aalburoto ng mga fans niya, o nila ni Maine. Hindi kuntento ang AlDub Nation sa itinatakbo ng kuwento.

“A television show is not considered flop it it’s consistently beating its rival show for the past weeks…” – @maichardalliance.

“Go, tapusin nyo nga, sino mawawalan ng revenue, kami ba?? We want to see what we pay for story improvement lang ang ask namin.”

Anyway, mas marami naman ang nagsasabi na ang teleseryeng Destined To Be Yours ng dalawa ay nagdadala ng good vibes, at maganda rin ang influence nito sa mga fans.

Dahil sa pa-Fan Art contest ng Destined To Be Yours ay nabibigyan ng pagkakataon ang maraming talented artists na ipakita ang kanilang artworks sa buong mundo. Bukod sa papremyo na natatanggap nila, nakikilala rin ang kanilang kakayahan sa digital art na isa sa mga in-demand na professions ngayon.

Nabibigyan ng DTBY ng inspirasyon ang mga artists na ito na ipagpatuloy ang kanilang passion! Nagpapakilig na, nakaka-inspire pa! Para sa mga gusto pang sumali, pumunta lang sa official site nitong www.destinedtobeyours.com.ph/promos para sa mechanics. Join na!

SHARE