Una sa Balita

Alden pinaiyak ang mga ina

By
0 1,846

Tumulo ang luha ng manonod at audience sa Broadway Centrum sa mensahe ni Alden Richards sa Mother’s Day celebration ng Eat Bulaga nu’ng Sabado.

Habang kumakanta ng I Will Be Here, naka-flash sa big screen ang picture ng yumaong ina, si Rosario Faulkerson.

Sixteen years old si Alden nang mamatay ang ina at ayon sa kanya, hindi naging madali ang buhay niya. Base na rin sa mga kuwento niya, ang ina ang pursigidong maging artista siya.

Natupad ang pangarap ng mother niya kay Alden. Hindi na nga lang niya natikman ang kasikatan at karangyaan tinatamasa ngayon ng anak.

Tinanong nga ang Pambasang Bae ni Ryan (Agon­cillo) na kung sakaling meron siyang line to heaven, ano ang iparara­ting niya sa ina.

“Sasabihin ko sa kanya, uwi ka na, anytime basta uwi siya,” tugon ni Alden.

Inalala rin niya nu’ng madalas siyang paglutuan ng ina ng paborito niyang ulam, ang sinigang pagka­galing sa school.
“Kapag may sinigang kami ibig sabihin maayos ‘yung suweldo nu’n. Ibig sabihin, hindi nagbayad sa utang. Tapos lulunurin niya ‘yung kanin ko sa sabaw ng sinigang,” pag-aalala pa ni Alden sa pag-aasikaso sa kanya ng ina.

Sa Instagram photo ni Alden last Saturday, may screenshot ng pagluha niyang ‘yon sa Bulaga. Nakalagay ang simple pero punumpuno ng puso na, “Love you Ma…”

***
Gary V. nakalabas na ng ospital

Panalo ang Mother’s Day gift kay Angeli Pangilinan-Valenciano kahapon. Lumabas na sa ospital ang asawa niyang sa Gary V. matapos sumailalim sa heart bypass!

Pinost ni Angeli ang picture ng pagtanggal ng hu­ling tube na nakakabit kay Gary. Saad pa niya, ayon sa doctor ni GV na si Dr. Enrique Posas, “Let’s get this guy home!”

God gave me, my mom, our sisters, Samantha, my nieces, my staff, my children & Mamita a wonderful gift. Gary is checking out this morning on Mother’s Day. Thank you for all the love and the prayers.

“Happy Mother’s Day! I love you all! Tweet it! Post it! Praise the Lord #GaryVisGoingHome,” bahagi pa ng caption ni Angeli.(Jun Nardo)