Una sa Balita

Alden pinadapa sina Daniel, Coco, James, Enrique, sa ‘Sexiest Man’

By
0 1,376

Pinadapa ni Alden Richards­ ang ilang Kapamilya actors­ nang siya ang tanghaling Sexiest Man in the Philippines 2018 mula sa online poll na isinagawa kamakailan ng isang entertainment blog.

Sa Twitter account ng Starmometer, breakthrough ang panalo ng Pambasang Bae dahil sa loob ng labing-isang taon na isinagawa ang poll, tanging si Alden lamang ang Kapuso artist na nagwagi sa category after ni Aljur Abrenica na lumipat na ng network.

Tinalo ni Alden ang siyam na finalists kabilang ang winner last year na si James Reid na second placer lang.

Nakakuha ng 39.83 percent ang bida ng Kapuso series na Victor Magtanggol habang si James ay may 15.52% na boto.

Nasa third spot si JM de Guzman na nakakuha ng 13.71% votes habang number 4 si Carlo Aquino at number 5 si Xian Lim.

Pasok sa magkakasunod na place sina Daniel Padilla (#6), Coco Martin (#7), Dingdong Dantes (#8), Elmo Magalona (#9) at Enrique Gil (#10).

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy