Una sa Balita

Alden pararangalan sa South Korea

0 2,316

Ni: Rose Garcia

Papuntang South Korea ang ­Pambansang Bae na si Alden Richards ngayong araw na ito para tumanggap ng award sa Seoul International­ Drama Award.

Ang dami ng bansang ­napuntahan ni Alden sa loob ng ilang taon niya sa ­showbiz, pero hindi pa raw siya ­nakakarating ng South Korea kaya double­ excitement sa kanya ang makapasyal dito at the same time, may tatanggapin pa siyang award.

Very happy ang aura ni Alden nang makita at makausap namin sa ­launching ng unang collaboration niya sa designer na si Avel Bacudio, ang Avel X Alden kunsaan, ang mga althleisure wear na may sey rin si Alden sa bawat maliit na detalye ng design ay mabibili exclusively sa Zilingo.

Understandable naman ang kasayahan ni Alden ngayon dahil as of this writing, mahigit sa 800 million worldwide na ang kinikita ng mag-iisang buwan na sa mga sinehan na “Hello, Love, Goodbye.” Then, by September ay ang premiere naman ng bago niyang primetime series sa GMA-7, ang “The Gift.”

Mukhang hindi rin focused sa love angle ang kuwento ng The Gift kaya tila hindi kung sino ang love interest ni Alden dito ang pinag-uusapan, mas ang kuwento at kinae-excite rin ni ­Alden na balik drama naman­ siyang talaga.

Sabi namin kay Alden, napatunayan niya rin na puwedeng panoorin at maging box-office pa ang isang proyekto tulad nga ng HLG kahit na hindi magka-loveteam ang mga bida.

“Minsan, hindi talaga kaila­ngang nasa isang loveteam ang isang tao. Parang naging paniniwala ko na rin naman po ‘yan noong One True Love pa lang din po, magka­sama kami ni Louise delos Reyes, it was also success­ful but hindi kami in real-life.

“­Naniniwa­la po ako na kapag ­maganda at mahusay ang materyal, doon kakapit­ ang manonood.”

Hindi lang sa hindi sila in real-life ni Kathryn e, hindi rin sila loveteam. At kahit alam ng tao na may Daniel Padilla in real-life si Kathryn, hindi ito naging dahilan para hindi kiligin sa kanilang dalawa.
Hindi naman pala kailangan ng loveteam at all?

“Opo, siguro po, ang naging susi rin sa aming dalawa ni Kath, yung pagkakaibigan and tiwala na ibinigay namin sa isa’t-isa na ang gusto lang namin­, mapaganda ang proyekto.

“Kaya po nag-swak,” sey niya.

Naaliw kami kay Alden na anim na sampung beses­ daw niya napanood na ang Hello, Love, Goodbye bukod pa sa sangkaterbang block screening na hindi lang niya nabuo ang movie.

“Siguro, biased lang po talaga ko, pero ako po talaga, sobrang ganda, yun po,” nakangiting sabi niya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy