Una sa Balita

Alden, pamilya US magpa-Pasko

0 370

abante-talbog-joe-barramedaDumalaw kami sa set ng Victor Magtanggol na napapanood gabi-gabi sa GMA 7 pagkatapos ng 24 Oras. Busy lahat sa taping ang mga artista kaya medyo natagalan kami sa location with matching malakas na ulan.

Aminado si Alden Richards sa kalagayan ng Victor Magtanggol pero beyond their control nga naman iyon. Pero magagandang feedback ang natatanggap nila sa mga manonood gabi-gabi at ang prime concern daw nila ay mapaganda o mapanatili ang ganda ng bawat episode na kanilang inilalabas para nga naman hindi bumitaw ang mga tumatangkilik sa show. ‘Yun daw ang prime concern nila at kita naman ninyo na umaapaw ang mga advertiser ng show na ibig sabihin ay satisfied ang mga kliyente ng GMA.

Nang makausap namin ang iba’t ibang artista ng Victor Magtanggol ay iisa ang sinasabi nila sa pag-uugali ni Alden.

Matagal na daw nilang kilala si Alden pero hindi daw ito nagbago ng pakikitungo sa kanila at maski sa maliliit na tao sa production. Wala raw nabago kahit katiting at siya pa rin ‘yung taong mapagkumbaba at mada­ling makisama sa lahat.

Balak pala ni Alden kasama ang pamilya na sa Amerika mag-Pasko at uuwi sila before New Year at hindi daw siya puwedeng mawala sa traditional countdown ng GMA every year SM MOA. Pero bago siya umalis ay makiki-party muna siya sa mga press at kanyang mga fans.

Janine wish na makadalo si Nora sa kasal ng ina ???

Bakit ba hirap na hirap umamin ang mga artista sa kanilang mga relasyon sa kapwa artista. Deny ng deny pero hindi naman maitago. OK lang sana kung may pinanganga­lagaang loveteam. At least inaalagaan ang kanilang mga obli­gasyon sa network at sa mga fan. Maraming ganyang relasyon na puro deny pero aamin din kapag nag-break na. Hay naku.

Mabuti na lang si Janine Gutierrez na kahit papaano ay umaamin na sa relasyon nila ni Rayver Cruz. At least hindi na siya puwedeng pagdudahan ng mga AlDub na inaagaw si Alden sa kanilang idolo. Bukod sa taping ng VM ay abala si Janine sa pagtulong sa preparasyon ng kasal ng kanyang mama ngayong December. Hindi man siya nakikialam sa problema ng ina kay Ate Guy at wish niya na makadalo ang sikat na lola sa kasal ng ina.

Pancho ipinagluluto si Max

Balak na pala nina Pancho Magno at Max Collins na bumukod at magkaroon ng sariling bahay. Nakatira sila ngayon sa parents ni Max at okay naman sila doon. Si Pancho pala ang cook at ipinagluluto niya si Max. Hindi man marunong magluto si Max pero tinuturuan daw ito ni Pancho.

May plano pala silang mag-asawa na bumiyahe sa ibang bansa. Matagal na daw nilang balak ito pero hindi pa sila nababakante at hopefully pagkatapos daw ng Victor Magtanggol na wish nila na abutin pa ito until next year.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy