Una sa Balita

Alden palaban kay Coco sa ratings

0 1,225

abante-i-know-better-jun-nardoPasimple lang ang mga lambinga­n nina at Janine Gutierrez sa mga eksena nila sa ‘Victor Magtanggol’ last Tuesday. Mga biglaang banggaan na sinamahan ng malalagkit na titigan, huh!

Siyempre, ‘yung pagkakaroon ng babae ni Alden sa series eh, kailangan timplahin muna. Baka kasi umatake na naman ang mga social media troll kapag naging love story ang dapat eh family drama at action adventure series ng Pambansang Bae.

Undeniably, tinutukan ang pilot episode ng VM. Kinilatis ng mga kritiko ang kuwento, action scene at costume ni Alden. Pero mabigat man ang kalaban eh, lumalaban ang Victor Magtanggol sa ratings at viewership, huh!

Isang magazine nga ang naglabas ng review sa pilot episode ng VM series na pinasalamatan ni Alden.

“Holy Ragnarok! The Victor Magtanggol premiere surprisingly kicked ass!”

Ilan pa sa bahagi ng review ay, “…best fight scenes we’ve ever seen in Philippine television’s recent history…
“The over-the-top costumes and dramatic moments created that experience…

“The quick-witter banter bouncing from one character to another is effectively hilarious…

“Victor Magtanggol is more than just watchable…

“The comparison of an Overseas Filipino Worker sacrificing a lot for his family and an actual superhero with powers and a magic hammer is established here.”

Sa third day episode ng VM, ang hashtag na #VictorMagtanggolSeesMom umaga pa lang ay meron na agad itong 36.3K tweets as of this writing.

Makikipagtagisan naman sa drama si Alden dahil ang magaling na aktres na si Coney Reyes ang gaganap niyang ina, huh!

Pero ‘wag mag-alala ang AlDub fans kung may Janine at Andrea Torres si Alden sa series dahil sa isang interview kay Maine Mendoza, nagpahayag siya na ready siyang mag-guest sa VM kung sakaling may role na pupuwede sa kanya sa series, huh!

Sabi nga ni Alden, hin­di pa tapos ang AlDub loveteam nila ni Meng so abangers, dasal-dasal at kapit-kamay lang, AlDub Nation!